top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 11, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 11, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2021 (Lunes): Sa taong ito ng 2021, hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil palaging nakamasid sa iyo ang langit. Ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapapalapit ka sa taong akala mong hindi makatutulong sa iyo dahil siya pala ang sagot sa iyong mga problema. Simula ngayon, ingatan mo ang inyong relasyon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-29-30-36-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikitang napababayaan mo na ang iyong sarili nang dahil sa pagsasakripisyo. Ang sabi, mahalin mo ang sarili mo dahil sa totoo lang, wala kang maaasahan sa ibang kapwa mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-25-38-31-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw lang ang may kakayahan na baguhin ang takbo ng isip ng sobra ang naguguluhan sa problema. Ipadama mo sa kanya na masarap pa ring mabuhay sa mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-22-27-41.

CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo ang pagpapalago sa kabuhayan dahil ngayon ang tamang panahon para rito. Huwag kang maliligaw dahil lang sa masasayang pangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-25-29-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw para sa iyo para sa pagkakawang-gawa. Makakaasa ka na langit mismo ang magbibigay sa iyo ng kapalit sa ipagkakaloob mo at ito ay higit sa inaasahan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-29-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kunsintihin ang alam mong may hindi magandang motibo. Maaaring mapahamak ka kaya pigilan mo ang sarili mo na siya ay pagbigyan pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-27-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ngayon ang mga luha mo. Mas makabubuti kung maglilibang ka dahil humihina ang resistensiya kapag patuloy na nalulungkot. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-15-29-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang humingi ng tulong, pero huwag kang lalapit sa alam mong mapapahamak ka lang. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-28-30-34-37- 40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na tulong sa iyo ang ibibigay ng langit na maliliit na suwerte. Pero puwede mo itong palakihan tulad ng isang mayabong na punong kahoy. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-25-28-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag ayaw mo, dapat ayaw mo. Bago ka umayaw, isipin mo munang mabuti. Mas mahirap na sa huli ay magsisisi. Ito ang mensahe sa iyo ngayon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-20-27-41-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ang kapalaran mo para muli mong maranasan ang maligayang buhay. Minsan, mahirap maunawaan ang galaw ng buhay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-23-29-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung hindi mo makuha ngayon, huwag mong ipilit. Maghintay ka ng magandang pagkakataon na kung kailan hindi ka mahihirapan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-27-33-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page