top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Enero 10, 2021 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2021 (Linggo): Higit kang mapalad kaysa sa ibang nilalang. Ngayong taong ito, mamumunga ang iyong mga pagsisikap at marami ka ring mga suwerte na hindi mo pinaghirapan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng masasayang pangyayari, na kung sasakyan, yayakapin at pahahalagahan mo ay mananatili sa mahabang panahon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-34.



TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang mundo at may kakayahan kang pagalawin at pakilusin ang mga tao sa paligid. Ang paalala ay nagsasabing panatilihin mo ang iyong malinis na pagkatao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-21-27-34-37-41.



GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na puwede kang masilaw ng makislap mong buhay. Ibig sabihin, hindi mo makikita ang reyalidad na ikaw ay mabubuhay na lamang sa pagpapantasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-21-28-33.



CANCER (June 21-July 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mga paparating na suwerte. Huwag kang tutulad sa marami na ang mga suwerte nila ay ibinigay pa sa iba, kaya binawi na rin sa kanila ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-23-27-34.



LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang, masyado nang malakas ang dating mo sa isang taong labis mong pinahahalagahan. Limitahan mo lang ang mga pagkilos mo dahil hindi na natutuwa ang marami. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-21-27-34-37.



VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag mas madalas ka sa labas ng bahay, muling magbabalikan ang mga suwerte mo. Pero sa bahay, hihina ang katawan mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-16-25-37-40.



LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming nasayang na pagkakataon sa buhay mo dahil sa pag-ibig. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing, tutukan mo ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-23-28-31-38.



SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabago ang lahat sa mundo at ang pangako sa pag-ibig ay nawawala rin kapag may nagawang malaking pagkamali ang isang panig. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-27-35-37.



SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papalakas ang dating ng iyong mga suwerte. Mas lalo kang kaiinggitan ng mga ayaw magsikap at walang pangarap. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-24-26-28-30-41.



CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipadarama muli ng langit ang kanyang pagmamahal sa iyo, kaya muli kang tatanggap ng regalo at biyaya na labis mong ikatutuwa. Mapasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-25-29-31-36-40.



AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananariwa ang kapalaran mo kung magagawa mong huwag munang maglakwatsa at magada rin kung mananahimik ka muna sa pakikipagsosyalan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-22-32-39-42.



PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Palalakasin ka ng mga ito at gagawin kang matibay. Ang mahina ay mananatiling mahina kapag naduduwag at ayaw lumaban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-20-27-41-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page