Horoscope | Disyembre 8, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 8, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2022 (Huwebes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo, kaya mabibigat na pagsubok ang iyong kailangang lagpasan. Dahil malalagpasan mo ang mga ito, hindi ka dapat mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Sinasabi ng araw ng iyong pagsilang na magpakatatag ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na aalisin ng langit ang iyong takot at hina ng loob. Kaya anumang plano at pangarap mo, gawin mo na agad at ito ay siguradong magkakatotoo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-18-19-30-31-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganda ang magiging puhunan at pang-akit mo ng suwerte sa araw na ito, kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magpaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-26-28-31-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Umiwas ka sa nagpapahirap sa iyo na walang ginagawa kundi ang pintasan at punahin ang ginagawa mo. Siya ay mamalasin ngayon, kaya para hindi ka madamay, siya ay layuan mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-14-21-27-30-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangang malungkot. Ang mga nangyayaring hindi mo gusto ay kailangang maganap nang mabigyang-daan ang pagdapo ng malalaking suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-28-32-38-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang dala mo ay suwerte sa mga taong naghahangad na suwertehin. Magpasalamat man sila o hindi, langit ang magbibigay sa iyo ng malalaking gantimpala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-19-27-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto dahil papaganda pa rin nang papaganda ang takbo ng iyong buhay. Kahit may ilang medyo malalaking problema na iyong kinakaharap, ituloy mo lang ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-18-20-24-26-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa nagpapakita sa iyo ng maganda dahil ang kanyang pagkakagusto ay pansamantala lamang. Kumbaga, walang katiyakan kung siya ay magtatagal sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-8-21-28-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi na maaawat ang pagdating ng magandang kapalaran mo na pansamantalang naantala dahil kumuha pa ng malalakas na buwelo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-29-30-35-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaibang sigla ang regalo sa iyo ngayon ng langit. Isang sigla na kayang tumunaw sa mga negatibong puwersa na gustong sirain ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-22-25-29-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na dapat mo pang pag-ibayuhin ang pagtitipid at pag-iipon. Huwag kang magpatangay sa magastos na Kapaskuhan dahil pagkatapos nito, matatagpuan mo ang iyong kaban-yaman na marami pang laman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-23-27-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Susuwertehin ka at ang magara pa, malalaki at maraming suwerte ang darating sa iyo. Ngunit mangyayari lamang ito kung patatawarin mo ang mga taong nagkasala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-22-28-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka ng payo sa may nalalaman na bago ka sumabak sa negosyong gusto mo. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga problema sa pagsisimula mo ng anumang negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-21-25-26-35.




Comments