top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Disyembre 7, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Dec 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 7, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2022 (Miyerkules): Taglay mo ang malikhaing kaisipan, kaya kung gugustuhin mo, kayang-kaya mong yumaman nang sobra dahil sa iyong katangian. Gayundin, wala kang katwiran kapag hindi ka umunlad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang araw na ito, gayundin ang mga araw na darating na mas aangat ang kabuhayan mo dahil nagbabalik na ang iyong pagiging seryoso sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-29-30-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmadali ka, hindi ka dapat masingitan ng kahit kaunting pag-aalinlangan. Kapag mabilis ka, ang mga suwerte ay mag-uunahang dumapo sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-20-25-28-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mo muna nang mabuti ang bawat desisyon mo nang sa gayun ay wala kang panghinayangan kapag may nakalagpas na magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-26-37-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong intindihin ang mga taong negatibo dahil baka mahawa ka lang sa kanila. Tandaan, hindi lang sakit o karamdaman ang nakakahawa kundi maging ang kamalasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-28-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang taong may maipagmamalaki, lalo sa pinagdaanan mo. Ang masuwerteng balita ay puwede mo na ring ipagmalaki ang sobrang magandang hinaharap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-25-30-33-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli mong simulan ngayon ang naudlot mong proyekto. Dahil mismong langit na ang aalalay sa iyo. Ito ang masaya at masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-17-20-22-25.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inalis na ng langit ang maliliit at malalaking hadlang sa pangarap mo. Kung may lilitaw, aalisin din ulit ito. Ang gusto ng nasa itaas ay gumanda nang husto ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-16-21-23-25-28-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikinabang ka sa bunga ng iyong mga pagsisikap. Dahil ikaw ay taong masikap, reregaluhan ka pa ng langit ng suwerte sa larangan ng pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-29-30-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo. Habang ang mga tao ay masayang nanonood ng paglitaw ng mga bulalakaw, ang buhay mo naman ay gumaganda tulad ng mga bituin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-21-25-28-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghahanda na ang buwan sa pagpapamalas ng kanyang kakaibang kagandahan. Makakaasa ka na may magandang epekto ito sa kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-23-25-36-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malamig ang simoy ng hangin, pero sobrang masaya ang dating. Ganitong-ganito rin ang dating mo sa isang matagal na nababagot kahit pa siya ay matagumpay sa kanyang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-22-24-36-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghintay ka. Ibig sabihin, huwag kang mainip dahil kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo nang sa gayun, kapag dumating na ito ay walang pagsidlan ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-23-26-35-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page