Horoscope | Disyembre 7, 2020 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 7, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2020 (Lunes): Buwenas ka sa lahat ng klase ng pakikipagsapalaran. Gayunman, ang payo para sa iyo ay nagsasabing sa mundo ng negosyo, itaya mo ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglalaro ang isip mo sa kung anu-anong magagandang puwede mong gawin. Pero makabubuti sa iyo kung ang malikot mong isip ay ituon mo sa pagpapaganda ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sasaya ka dahil damang-dama mo na papaganda na ang takbo ng buhay mo. Ang mga nakaraang porblema ay parang wala nang gaanong epekto sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-21-27-30-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Gawin mo ang anumang gusto mong gawin ngayon dahil makakaasa ka na magiging maganda ang resulta nito. Huwag na huwag kang mag-aalinlangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-24-26-35-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dapat maging mabilis ka sa araw na ito. Huwag mong hayaan na makalagpas ang magagandang pagkakataon na tugmang-tugma sa mga plano mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-27-30-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpapatangay sa kapritsuhan ng iba. Hawakan mo ang sarili mo dahil ngayon, may babala na madali kang maiimpluwensiyahan ng taong gusto lang ay maisahan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-22-32-36-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ay araw mo. Sino ang mangangahas na lumaban sa iyo? Kung may magtangka man, magugulat sila dahil babawaiin sa kanila ang ilang suwerte at ililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-24-26-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahusay magturo ang mga guro sa eskuwelahan, pero ngayon, malalaman mo na ang pinakamagaling magturo ay ang karanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-25-26-31-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbalik-tanaw ka sa nakaraan at makikita mo na inaayos pala ng kapalaran mo ang iyong buhay. Ngayon, patuloy ang pagsasaayos hanggang malubos ang iyong saya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-28-29-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang payo sa iyo, ‘yun ang sundin mo. Huwag mong isingit ang maiisip mo dahil malilito ka at maaaring kabiguan ang abutin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-22-34-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagkalat ngayon ang mga mandaraya na makikipagkuwentuhan para mapaniwala ang kausap sa mabilisang suwerte. Sa kanila ka mag-ingat. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-29-38-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakalakas ng impluwensiya mo sa naniniwala sa iyo. Hawak-hawak mo ang kanilang loob. Puwede mong mapakinabangan ang malakas mong karisma ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-21-25-28-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magulo ang isip mo ngayon. Ang payo ay nagsasabing makinig at sumunod ka sa iyong malalapit na kaibigan. Hindi ka nila ipapahamak at ayaw nilang ikaw ay mabigo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-27-35-36-38.




Comments