Horoscope | Disyembre 6, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- 5 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 6, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2025 (Sabado): Patuloy ang dating ng iyong mga suwerte. Walang magagawa ang mga lihim mong kaaway kundi patuloy na mabuhay sa inggit at galit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo ang buhay mo at hanapin mo kung saan ka puwedeng magkaroon ng pagbabago. Kung may kailangan ayusin, ayusin mo at kung may puwede pang pagandahin, pagandahin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-20-24-29-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw pa rin ang mas masuwerte kesa sa mga naghahangad na sila ay buwenasin. At dahil likas kang mabait, mas maganda kung ibabahagi mo ito sa mga walang-wala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-25-29-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Talasan mo ang pakiramdam mo para hindi makalagpas ang isang malaking pagkakataon na lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-20-27-35.
CANCER (June 21-July 22) - Unahin mo kung paano mo palalakihin ang iyong kita, habang kalimutan mo muna ang ibang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-13-28-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan at pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Magugulat ka, dahil bigla na lamang darating sa iyo ang mga suwerteng hindi mo akalain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-26-30-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakararamdam ka ng hindi maipaliwanag na lungkot. Balewalain mo dahil ang ganitong bagay ay mula lang naman sa mga araw na kasiyahan na makikitang may dala ring lungkot, ngunit pagkatapos ng lahat ng ito ay ligaya at tagumpay na ang kasunod. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-14-20-27-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang payo sa iyo ng iyong sarili. Ang mga taong nakikinig sa sariling payo ay nagkakaroon ng magandang kapalaran. Pero ang nakikinig sa iba ay kadalasang napapahamak lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-31-32-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipagpaliban ang iyong mga plano, bagkus labanan mo ito upang ‘di masayang ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-29-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Pero kung magtatrabaho ka pa rin, hinay-hinay lang. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-22-28-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hind para sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa hawak. At sabi pa ng iba, hindi mo dapat bilangin ang hindi mo pa hawak. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-25-32-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasobrahan ka sa saya kaya ngayon nalulungkot ka. Pansamantala lang naman ito dahil ang totoo sa buhay mo ay kakambal mo ang saya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-25-30-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa paglalakbay mo para hindi na maulit pa ang nakaraang kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-17-21-31-37.




