Horoscope | Disyembre 6, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 6, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2022 (Martes): Paulit-ulit na kikilos ang iyong kapalaran hanggang magkaroon ka ng magandang buhay, kung saan mamamangha ang lahat. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong mahulog sa tukso. Napakalakas ng karisma mo, na siyang dahilan kaya hindi nawawala ang mga nagnanasa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umaandar ang sasakyan kahit may diperensya. Mamahinga ka at kumain ng masustansyang pagkain nang manumbalik ang iyong lakas. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-23-25-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Mawawala sa loob mo na ang malapit na hinaharap ay dapat mong paghandaan dahil marami ang umaasa na sila ay mabibigyan mo ng saya tulad ng nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-24-28-31-36-37.
CANCER (June 21-July 22) - Bagama’t hindi na naman mangyayari ang iniisip mo, magpatuloy ka pa. May mas magandang pangyayari na inilaan sa iyo ang langit. Dahil dito, tiyak na mas maunlad at maligaya ang iyong mararanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-14-21-23-27-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan nakahilig ang isang puno, ru’n siya mabubuwal. Umiwas ka sa mga bisyo at walang kuwentang aktibidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-17-24-26-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga biyaya na iyong tinatamasa. Gawin mo ito nang sa gayun ay lalo ka pang pagpalain. Ito ang banal na lihim para magkaroon ka ng masaganang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-28-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mangyayari. Kung nalilito ka sa kung ano ang gusto mo, pagdadalawang-isip din ang mapasasaiyo. Mas maganda kung simpleng saya at romansa ang hanapin mo dahil ito ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-25-27-35-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagpapatuloy ang pagsasaayos ng iyong kapalaran. Huwag kang masurpresa kapag nagpabago-bago ang takbo ng mga pangyayari sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-20-21-23-27-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahalagahan mo ang mga karagdagang biyaya na mapasasaiyo. Malaki man o maliit ang mga ito, hindi ito dapat sayangin. Sa halip, pagsisinop at pagtitipid ang higit na nagpapaunlad at nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-24-25-29-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Humihina ang malakas at lumalakas ang mahihina. Rito sa mundo, sinasabing walang panghabambuhay. Ito ang palagi mong isaisip dahil malaki ang maitutulong sa iyo ng mga paalalang ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-27-33-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matuwa kapag marami ang nagpaparamdam sa iyo. Ang totoo, dapat ay mag-ingat at maging alisto ka. Ito ay dahil marami sa kanila ang hindi maganda ang motibo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-23-30-31-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang iyo, ‘yun ang ipakita mo. Ang may itinatago, kahit kailan ay hindi makakaranas ng tunay at dalisay na kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-24-27-34-41.




Comments