Horoscope | Disyembre 5, 2025 (Biyernes)
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 5, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2025 (Biyernes): Bilis ang sandata ng iyong kapalaran. Kaya puwedeng mapasaiyo anumang gustuhin mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng harot, biro at saya ang mga kilos at pananalita mo. Ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing kapag masaya ka, tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-15-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat matagalan sa pagpapasya. Dahil magkakatotoo sa iyo ang kasabihang, “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.” Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-21-28-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kaya humiling ka na sa langit! Anumang hilingin mo, makakaasa ka na pagbibigyan ka agad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-22-29-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa mga nakaraang tagumpay mo. Sobra-sobra na ang mga ito para talunin ang anumang mga pagsubok nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-26-33-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo. Inggit na inggit lang naman sila, pero wala naman silang magagawa para pabagsakin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-19-26-32-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo pa rin ang mga plano mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-11-15-20-29-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isa lang ang mabuti sa iyo sa araw na ito—ito ay ang ma-in love. Sa tuwing may love interest ka, ang malaking tsansa ng biglang suwerte ay bigla ring darating sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-24-30-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo lang ang ginagawa mong pagpapaunlad sa sarili mo. Dahil nagpapatuloy ang magagandang araw para sa iyo, na kung saan ay malaki pa ang maiuunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-28-31-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa mga walang-wala ang iyong biyaya. Kapag may napasaya ang tao, ang langit ay sumasaya rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-22-25-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang iyong pagiging mahiyain, dahil mas sinusuwerte ang mga taong nakikisalamuha sa iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-20-34-38-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisilip sa iyo ang malalaking suwerte. Kapag nakita nilang hindi ka abala sa pakikipagkaibigan, mabilis silang magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-24-30-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sarili mo naman ang iyong pasayahin. Ito ang gawin mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-21-25-32-45.




