Horoscope | Disyembre 5, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2022 (Lunes): Bilis ang magdadala sa iyo sa tagumpay, kaya kahit kailan, hindi puwede na makasingit sa iyo ang kahit kaunting pag-aalinlangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi puwede ang sobrang matagal na hindi ka makapagpasya. Magpasya ka ngayon. Lakas lang ng loob ang kailangan mo at hindi ang kung ano-ano’ng nasa isip mo na hindi naman makabuluhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-19-21-26-28-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Anumang bagay ang planuhin mo ay tiyak na matutupad. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magplano at magpatupad dahil tiyak na ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-15-16-25-27-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi kumukupas ang talas ng iyong isip at kaya lang parang nawawala ay dahil nagiging emosyunal ka. Bumalik ka sa dati kung saan utak ang iyong pinaiiral. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-18-26-28.
CANCER (June 21-July 22) - Kung nasaan ang masasayang nilalang, du’n ka. Lumayo ka sa mga paladaing at reklamador dahil kung sino ang makakasama mo ngayon, sa kanila matutulad ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-29-30-32-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap mang tanggapin, kailangan mong paniwalaan na ang lahat ay pantay-pantay. Sa ganitong paraan, lalo kang hahangaan at kikilalanin sa lipunan na iyong ginagalawan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-23-24-27-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang sinumang magtatangka na ikaw ay biguin ay gagantihan ng langit. Gawin mo na ngayon ang gustong-gusto mong gawin at makikita mo na papabor ang lahat ng pangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-23-25-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbalik-tanaw ka sa kuwento ng gamo-gamo na nasira ang pakpak nang naakit siya sa apoy-ilawan. Ibig sabihin, ang nang-aakit sa iyo ngayon ay huwag mong pansinin. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-24-38-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang natututo sa araw-araw. Ang mismong mundo ay malaking eskuwelahan kung saan patuloy na nag-aaral ang mga gustong umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-23-29-30-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang araw na ito na maraming tukso ang nasa harapan mo, pero nagbabalita rin ito na poproteksyunan ka ng iyong pangarap na ayusin mo ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-27-34-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatangay sa emosyon mo. Dahil minsan ka nang nasaktan nang hindi mo sinunod ang payo ng isip mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-26-29-36-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka dahil ang araw na ito ay para sa pagsasaya. Huwag kang mag-alala dahil ang saya ay magsisilbing sasakyan na maghahatid sa iyo sa isang maunlad at maligayang pamumuhay na magsisimula ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-20-25-31-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magpapabihag. Mas masarap ang nabubuhay nang malaya kaysa alipin ng anumang bagay sa mundo. Ang tunay na kaligayahan ay bunga ng kalayaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-13-28-38-40-41.




Comments