top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Disyembre 4, 2022 (Linggo)

BULGAR
Dec 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2022 (Linggo): Magtiwala ka sa iyong kapalaran dahil ginagarantiyahan na matutupad mo ang iyong mga ambisyon. Pagkatapos nito, ang masaganang buhay ay mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong labanan ang mahihina, sa halip ay kaawaan mo sila. Ikaw ay malakas, kaya kahit wala kang gawin laban sa kanila, ang kabiguan ay kanilang mararanasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi totoong masikip ang daan ng kaligayahan. Ang totoo ay sinusubukan lang ang tao na maging matatag. Kapag naging matatag ka sa mga pagsubok, ang pag-unlad at wagas na kaligayahan ang kasunod. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-29-33-37-40-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-aalinlangan ka sa isang pagkakataon na lalagay sa iyong harapan. Pero ang payo ay nagsasabing kahit nag-aalinlangan ka, kailangan mo pa rin itong sunggaban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-16-20-25-39.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong akalain na ang mataas ang kalagayan ay dapat mong iwasan. Dahil ang nasa iyong harapan ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay alalayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-7-14-27-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ganito ang sabi ng dakilang guro, “Mapalad ang matulungin, siya ay tutulungan ng langit.” Tandaan na ang hindi matulungin ay walang tulong na ipagkakaloob ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-25-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo ang mahirap kausap na hindi marunong umunawa. Huwag mong banggain dahil walang mabuting idudulot ang pakikipagtalo sa makitid ang isip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-28-30-33-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagdaratingan muli ang mga suwerte mo sa buhay, pero nasa anyo ng mga pangyayaring maaaring hindi mo magustuhan sa simula, subalit napakalaking suwerte pala. Tanggapin mo ang mga ito, magdasal at magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-18-24-26-34-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lagpasan ang hindi mo kaya. Kumbaga, huwag mo nang pilitin pang kayanin ang talagang hindi mo naman kaya. Marami naman ang magagandang pagkakataon na iyong madadaanan sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-16-20-25-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaya mong magagawa ang gusto mo, pero may kondisyon na ikaw na lang mag-isa ang gumawa dahil kapag may tumulong sa iyo, lalo kang mahihirapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-26-27-30-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sisipa ang kapalaran mo ngayon na ang ibig sabihin ay biglaan at malakas ang dating. Ikaw mismo ay magugulat dahil ang mga suwerte ay biglang nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-23-33-36-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kunin mo ang pang-unawa at huwag mong kunin ang galit. Kumbaga, piliin mo ang pagkakasundo at hindi ang paghihiwalay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-13-16-22-27-31-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagkakabanggaan ang magkakadikit. Umagwat ka sa matigas magsalita na hindi tumanggap ng opinyon. Ang nabubuhay nang payapa ay kusang dadapuan ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-22-28-30-33-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page