top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 30, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Dec 30, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 30, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2022 (Biyernes): Itinalaga ka ng kapalaran para humawak ng matataas na katungkulan. Huwag mong kakaligtaan ang payo na dapat ay nakasayad ang mga paa sa lupa. Ibig sabihin, anumang posisyon o karangalan ang iyong mahawakan, manatili kang mapagpakumbaba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong lumabas sa paningin ng iba na mas mataas ka kaysa sa kanila. Mas maganda na sa tingin nila ay pantay pa rin kayo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-33-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin mo ang mga ibibigay sa iyo ng taong lihim na humahanga sa iyo. Ang totoo, kapalit lang ito ng inspirasyon na nakuha niya mula sa iyo. Muli, tanggapin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-22-25-27-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Matatangay ka ng mga kislap ng iyong kapalaran. Ingatan mo na sa sobrang saya mo ay mabawasan ang mga nasa iyo na. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-24-26-38-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang masusunod ngayon, kaya lang, wala sa isip mo na pasunurin ang isang tao. Pero kapag sinubukan mo, wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magmalaki kahit sa totoo lang ay malayo ang agwat mo sa mga nasa paligid mo. Sa ganitong paraan, lalo mo silang iiwanan nang milya-milya. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-22-25-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tiwala sa sarili ang iyong kailangan. Magagandang bagay ang nararanasan ng taong may tiwala sa sarili. Samantala, walang mabuting napapala ang walang tiwala sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-27-28-30-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nalilito ka, mamahinga ka. Sa pamamahinga, ang tao ay tuturuan ng sarili kung ano ang magandang gawin. Ang hindi nagpapahinga ay magkakamali ng pagpapasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-22-25-29- 34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan ang mga bagay na kailangan mo. Ayusin mo ang iyong sarili upang hindi makasingit ang pag-aalinlangan dahil kahit kailan, ito ay hindi nakabubuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-23-37-40-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapasasaiyo ang panalo, pero kailangang maunawaan mo na ang panalo ay nakukuha lamang kapag nakikipaglaban sa mga hamon ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-25-30-32-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon. Ikaw na ayaw ay siyang mapipili, habang ang mga may gusto ay malulungkot dahil hindi makapaniwala na sila ay nabigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-19-21-26-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumunod ka lang sa agos ng kapalaran kahit hindi mo maunawaan ang mga pangyayari sa iyong harapan. Dadalhin ka nito sa lugar na lubos kang liligaya. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-10-18-22-26-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bibigyan ka ng maliit na suwerte, pero kapag pinarami at pinahalagahan mo ito, ito ay matutulad sa mga buhangin sa dagat na hindi mo na mabilang-bilang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-20-24-29-34-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page