top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 29, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Dec 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2022 (Huwebes): Kahit madalas ay naiisahan ka ng kapwa mo dahil mabait ka, ituloy mo lang ang iyong kabaitan. Ang dahilan kaya ka pinagpapala at binibiyayaan ng mga grasya ay dahil sa kabaitan mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang iyong sarili. Nagbababala ang iyong kapalaran na marami ang nagkakainteres na maging bahagi ka ng kanilang buhay dahil sila ay may pakinabang sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpatalo sa iyong emosyon. Ang natatalo ng kanyang emosyon ay nagsisisi sa huli dahil nakalimutan niyang gamitin ang kanyang isip. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-18-20-21-29-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Papasanin mo ang krus ng ibang tao. Ang nakakagulat at nakakatuwa, parang masasarapan ka pa habang iniisip ang problema ng iba. Dahil dito, patuloy kang tutulungan ng langit, pagagaanin Niya ang kalooban mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-25-31-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, mas maganda na tahimik ka. Sa katahimikan ng puso, nag-iipon ito ng lakas na magagamit niya sa sandali ng pangangailangan at pagpasan sa kanyang mga obligasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-22-25-27-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng masasayang aktibidad. Kung ano ang mahalaga, ‘yun lang ang iyong asikasuhin. Pahinga ang iyong kailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-25-27-35-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakaya mo ang mabibigat na gawain, pero ikaw ay pinapayuhan na gamitin ang isip mo para gumaan ang iyong mga pasanin sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-13-14-18-22-25.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili dahil ang simula ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Huwag kang tumulad sa marami na akala ay makukuha ang tagumpay sa tulong ng iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-24-29-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdadatingan sa iyo ang magagandang kapalaran kapag may bago sa iyo. Pero ito ay hindi materyal na bagay kundi bagong pag-ibig at bagong sigla na magagamit mo sa iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-23-26-33-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong sarili na mahulog sa tukso. Ang tukso ay nagkukunwaring sa kanya ay mas masaya ka. Ilagay mo sa iyong isip na ngayon ay hindi mo kailangang magsaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-28-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag hindi mo kaya, huwag mong pilitin ang iyong sarili. Madalas namang mangyari sa buhay mo na hindi mo kaya, ngunit kinakaya ng iba. Muling mangyayari ito sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-29-30-31-32-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang tumingin sa mga mata ng kapwa mo. Hindi dahil maaakit ka kundi dahil siya mismo ang maaakit sa iyo, kaya tulad ng dati, mamumroblema ka sa pag-ibig at hangal na pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-25-26-34-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isip ang gamitin mo ngayon para maresolba ang problema sa relasyon. Hindi nalulutas ang suliranin sa pag-ibig at pakikipagrelasyon kapag ang isip ay hindi pinagana. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-24-27-30-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page