top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 28, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2022 (Miyerkules): Mas mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwang mapalad. Bukod sa may sarili kang buwenas, sa nalalapit na pagtatapos ng taon, tatanggap ka pa ng mga espesyal na regalo mula sa langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Talo mo ang iyong mga karibal. Ang lalaban sa iyo ay langit ang makakaharap. Ang hindi nila alam, patuloy kang nagniningning dahil patuloy kang kinakasiyahan ng langit. Ito ay tatawaging mapapalad na araw mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-28-31-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na ang mga kontrabida sa buhay mo ay makikiayon sa iyong mga kagustuhan, kung saan sila ay parang mga tapat mong kaibigan na hindi ka iniiwanan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-21-27-30-33-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Magplano ka. Hindi puwedeng kilos lang nang kilos ngayon. Mas malalaking pakinabang ang aanihin mo kapag pagpasok pa lang ng taon ay bumubuo ka ng mga plano para sa 2023. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-25-26-39-42.

CANCER (June 21-July 22) - Makakasingit sa kapalaran mo ang isang nakakatuwang pangyayari na isa lang ang iyong hinihiling sa langit, ngunit dalawa ang sabay na ibibigay sa iyo. Malilito ka kung alin ang pipiliin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-29-31-32-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ay nakakaramdam ka ng kakaibang sigla. Gawin mo na ang matagal mo nang gusto na maipamalas sa mga nasa paligid mo, na ang mga imposible ay kakayanin mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-28-38-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapayo ang papel mo ngayon sa mundo. Huwag mong ipagdamot ang magagandang ideya mo nang marami ang makinabang at marami rin ang iyong mapasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-26-34-36-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa iyo ngayon ang pagkakataong mapili ang makakatulong sa iyong mga ambisyon, pero nasa iyo rin ang nakabukas na bintana ng kabiguan sa maling mapipili mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-22-27-39-40-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong sarili dahil kumikilos ngayon ang mapagpalang kamay ng langit na inaayos ang iyong kinabukasan. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-25-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tuloy-tuloy pa ang mga araw na ikaw mismo ang pinapaboran ng langit. Huwag mong sayangin ang mga biyaya, idagdag mo para sa ikagaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-24-26-27-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaibang saya ang nararamdaman ng gising sa madaling-araw dahil natatanaw niya ang bituin sa umaga. Sa ngayon, madaling-araw ka gumising para sa iyong magagandang araw. Kaya, gising, bangon at kilos na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-25-27-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangan ang aagapay sa iyo dahil ang inaakala mong makakatulong ay siya pa ang tutulungan mo. Mabuhay kang mag-isa at mapasasaiyo ang tunay na ligaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-36-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdag na suwerte ang regalo ng langit. Kung ipagpapatuloy mo ang pagkalinga sa mga nakakaawa, magpapatuloy din ang dagdag na biyaya na magsisimulang maganap sa pagpasok ng 2023. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-29-34-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page