Horoscope | Disyembre 27, 2025 (Sabado)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 27, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2025 (Sabado): Walang pagsubok na hindi mo malalampasan. At makakaasa ka na makukuha mo anumang gustuhin mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatatag ka ng langit para hindi masayang ang magagandang oportunidad na darating sa iyong buhay. Kung hindi ka magiging matatag, masasayang lang ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-29-31-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa mga aral na iyong natutunan. Ito ang susi upang hindi ka na muling masaktan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-21-25-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang diskarte mo kahit pa parang walang talab. Minsan ang magandang resulta ay hindi agad nakikita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-27-30-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ipaglaban mo ang sa iyo. May mga ipinaglalaban ang iba kahit pa wala naman silang karapatan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-28-35-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino, lalo na’t marami ang gustong maisahan ka dahil alam nila na madali kang lapitan at hingan ng tulong. Ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-20-31-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahamunin ka ng iyong kapalaran. Titingnan kung gaano ka kahusay sa paglutas ng mga problema. Napahanga mo na ang ilan sa nagdaang mga pangyayari dahil sa iyong kakaibang talino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-18-22-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bibigat ang kalooban at damdamin mo. Pansamantala lang ang mga ito dahil bigla rin namang gaganda ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-25-27-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim ang iyong kabaitan at sa sobrang lalim, ang mga nasa tabi mo ay hindi makakapaniwala na muli mo na namang pinagbibigyan ang mga taong abusado. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-12-19-26-30-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bago ka magsimula sa bagong proyekto, ihanda mo muna ang lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-16-28-34-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na espesyal para sa iyo, dahil ang espesyal mong mga kahilingan sa langit ay papaboran na at isa-isa nang matutupad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-27-30-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahalin mo ang iyong kaaway, ito ay isang banal na utos na talagang mahirap maunawaan. Pero ipinapayo pa rin sa iyo na gawin mo, dahil kapag ginawa mo ito, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-23-24-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang mga taong umalis, dahil nakatitiyak ako na muli siyang babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-27-38-42.







Comments