Horoscope | Disyembre 27, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- Dec 27, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 27, 2024

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2024 (Biyernes): Dapat kang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili, nang sa gayun ay yumaman ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Puwede mo nang gawin ang mga bagay na gusto mo, pero mas maganda kung uunahin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-24-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinay-hinay lang. Mas maganda pa rin kung pag-aralan mo munang mabuti ang lahat para ‘di ka rin mabigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-13-20-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang ikikilos mo dahil hindi mo na kakailanganin pang mag-isip upang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-24-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito gabay ng iyong kapalaran, ito ay tiyak na iyong mararanasan, mabibigla ka at masasabi mo ang mga sama ng loob mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-29-38-40-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili. Mas maganda pa rin kung mapapatawad mo na ang mga taong nagkasala sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-33-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang tamang panahon para muling bumuo ng plano para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-24-28-33-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong maghintay ang umaasa sa iyo. Kakaibang payo, pero sa kanilang paghihintay ay gagawa sila ng mga magagandang bagay na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-27-37-42-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao para lamang magsakripisyo sa iba. Magsakripisyo ka, pero dapat mo ring pahalagahan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-17-20-25-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang sinuman ang dapat na manghimasok sa buhay mo. May sarili silang buhay at iyon dapat ang kanilang asikasuhin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-11-18-24-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na inaanyayahan kang magtipid. Alalahanin mong malapit na ang Bagong Taon. Dapat maraming kang pera at ipon sa pagpasok ng Year of the Wood Snake. Kapag marami kang ipon, tiyak na ito ay lalo pang dadami. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-20-35-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang pakialam kung mali o tama ang iyong sasabihin at gagawin. Ang mahalaga ay nasabi at nagawa mo ang nais mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-21-25-27-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matapang para tumapang ka rin. Sa ngayon, kung sino ang nasa tabi mo, siya ang lapitan mo dahil tiyak na malaki siyang impluwensya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-14-19-24-36-44.



Comments