Horoscope | Disyembre 27, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2022 (Martes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Hindi nakakapagtaka kung makakabuo ka ng bago at kakaibang pormula para magtagumpay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na pagpapalain ka ng langit. Sa isang hindi kapani-paniwalang sitwasyon, isa-isang magdadatingan at matutupad ang lahat ng iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-19-20-23-27-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagpapalaki ng negosyo ang dagdag na puhunan at ang karagdagang pagsisikap ay ang nagpapatatag sa lumalaking hanapbuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-28-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo palawakin ang iyong negosyo. Maghanap ka ng ibang lugar na puwedeng maglagay ng dagdag pang pagkakakitaan. Ang araw na ito ay pumapabor sa pagtatayo ng mga sangay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-25-27-33-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda ang mapaghinala. Bagkus, mas maganda ang magtiwala. Ang totoo sa buhay ng tao ay kapag nagtitiwala ang nakagawa ng mali na kung sakali ay nagbabalik sa katinuan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-29-31-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ipinaaalala sa iyo na ang anumang sobra ay hindi maganda. Anumang bagay ang sobra sa iyo, ipamigay mo. Sa ganyang paraan, lalo kang madadagdagan at pupunuin ng langit ang iyong mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-27-29-32-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka puwedeng magtagal sa iisang lugar. Mas maganda kung tayo-upo at lakad ka pagkatapos ay babalik kang muli. Ito ang sikreto upang ang suwerte ay patuloy na magsidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-25-26-33-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simpleng buhay ang kailangan mo. Ang anumang kalabisan ay nagbababala ng problemadong hinaharap. Magsimula ka sa simpleng pamumuhay ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-28-30-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bilangin mo na ang lahat ng sa iyo bago ka magsimula ng isa pang negosyo. Sa ganitong paraan, masusukat ang iyong kakayahan kung hanggang saan ka lang. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-25-38-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Kahit ano sa mga ito ang lakipan mo ng pagkilos, makakaasa ka na malayo ang iyong mararating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-21-24-29-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtatalo ang isip mo kung susugod ka pa ba para magbago ang iyong buhay. Sa bawat pagsugod, ang kailangan ay lakas ng loob. Lakasan mo ang iyong loob dahil ngayon ay abot-kamay mo ang pag-unlad at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-26-31-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, hindi ibang tao ang nandaraya sa atin. Tulad ngayon, makikitang dinadaya mo ang iyong sarili, kung saan ang maganda lang naman ay sinasabi mo agad na sobra at ubod ng ganda. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-28-29-38-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Huwag mo nang lagyan ng dekorasyon ang mga sasabihin mo dahil kahit sa simpleng pagsasabi ng mga kahilingan, ito ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-18-25-28-30.




Comments