top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyembre 26, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 26, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 26, 2020 (Sabado): Hindi ka naman mauubusan ng mga suwerte. May suwerte ka sa malapit, pero ang malalaking suwerte mo ay nasa malalayong lugar.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayamang imahinasyon para palaguin ang hanapbuhay mo. Huwag na huwag mong gagamitin ang iyong imahinasyon sa negatibong mga bagay at pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-34-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng iyong isip, ‘yun ang madalas na magkatotoo. Kaya ang mas mabuti, magagandang bagay lang ang ilagay mo sa iyong isipan. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-25-29-31-36-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Pang-aalinlangan ang pinakamahigpit mong kaaway ngayon. Kapag tinalo ka, ang magagadang nangyayari ay maaaring biglang pumangit pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-23-39-41-42.

CANCER (June 21-July 22) - Humingi ka ng payo para sa mabibigat mong suliranin. Makakasama sa iyo kung sasarilihin mo ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-28-39-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalayo ang agwat mo sa karibal at kakumpitensiya mo gamit ang matagal nang mga plano mo na kailangang ngayon mo ipatupad. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-24-33-37-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagkuwentuhan ka. Ito ang mabisang panlaban mo sa pagkabagot. Kahit ikaw lang ang makikinig sa mga kuwento ng iba, puwede na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-21-25-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na magdaragsaan muli sa iyo ang mga suwerte na parang babaha ng magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-11-18-23-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bukod sa sarili mo, langit mismo ay inaayon ang buhay mo. Puwede kang mabigo dahil ikaw ay tao, pero ang kagustuhan ng langit ay tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-23-38-40-41-48.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakamamangha ang mga opinyon ng malalapit sa iyo. Kunin mo ang mga ideya na makatutulong sa iyo. Hindi masama ang mangopya ng magagandang pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-24-26-34-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi para sa iyo ang umalis, lalo na ang nawala. Ang para sa iyo ay mananatili at ang maglalapitan ay ikaw ang hahanapin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-25-38-40-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat maghari sa iyo ang positibong pananaw nang sa gayun ay mas umabante pa ang iyong buhay. Ito ang susi ng iyong tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-21-27-35-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bilangin mo ang mga biyayang sumaiyo. Maging tapat ka sa iyong sarili dahil mas marami ang mga ito kaysa sa mga nabigong kahilingan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-24-29-34-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page