Horoscope | Disyembre 24, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2022 (Sabado): Lahat ng sa iyo ay dapat na maganda. Dahil dito, kikilos ang kapalaran mo at ang pagkilos na ito ay nakadisenyo na pagandahin ang mga hindi magaganda sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sobrang malaki ang tsansa mo na manalo sa pakikipagsapalaran, pero may kondisyon na nagsasabing maging masaya ka at susuwertehin ka talaga. Ang payo ay labanan mo ang lungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-29-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ayon sa kapalaran, ikaw ang masusunod. Ibig sabihin, tapos na ang araw na ikaw ang palaging tagasunod. Ikaw din ay pinapayuhan na gandahan mo ang pag-uutos upang masiyahan din nang husto ang mga taong inuutusan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-24-25-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Napaliligiran ka ngayon ng mga tukso. Dapat mong malaman na kaya ang tukso ay aali-aligid sa iyo ay dahil siya ay mahina. Ang payo ay ipakita mo na ayaw mo sa mga tukso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-23-29-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Sobrang lakas ng iyong karisma ngayon na masasabing, ang lahat ay maaakit mo. Bukod sa isang kakaiba at pambihirang relasyon, maaakit mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-18-22-28-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung puwede, huwag ka munang magpakita ng awa dahil ayon sa kapalaran mo, muli kang matutukso sa iyong kaaawaan. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-26-31-36-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sarado ang isip mo ngayon sa mga suhestyon ng ibang tao. Inaakala mo na mas tama ka at mas maganda ang laman ng isipan mo. Ito ang iyong malaking pagkakamali ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-16-24-27-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isang malakas na gayuma ngayon ang simpleng ngiti mula sa iyong mga labi. Ang nakakatuwa ay kahit ano ay puwede mong makuha sa ngingitian mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-13-21-22-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang muling pakikipagbalikan ay mangyayari at ang mga hindi tama sa nakaraan, sa pagkakataong ito ay maitatama na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-28-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutok ang kailangan mo para hindi ka talunin ng mga tukso. Tutok sa pagpapaunlad sa sarili ang kailangan mo. Ito ang mensahe sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-15-25-26-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makinig ka sa payo ng malapit mong kaibigan dahil higit ka niyang kilala kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-23-27-35-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang sinumang puwedeng sumira sa masayang buhay mo. Ang sinumang magtatangka na makialam sa iyo, alisin mo sila sa listahan ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-15-25-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakambal mo ngayon ang panalo sa pakikipagsapalaran, pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil ang panalo ay mananatili sa iyo hanggang sa susunod na taon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-20-22-24-33.




Comments