top of page

Horoscope | Disyembre 23, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 59 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 23, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2025 (Martes): Sa Pasko at Bagong Taon, magnegosyo ka dahil du’n ka tiyak na yayaman. Gayunman, puwede ka rin namang yumaman sa ibang bagay, pero hindi ka gaanong magiging maligaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi umaasenso ang hindi masaya. Kaya magsaya ka, lalo na ngayong Kapaskuhan! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-29-32-37-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa panahong ito ng Simbang Gabi at nalalapit na ang mismong araw ng pagsilang ng Messiah, dadalawin ka ng mga suwerte, pero kailangan maging maagap at malakas ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-28-33-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Maraming bituin sa langit, at ngayon papalapit na ang Kapaskuhan, ito na rin ang araw na hinihintay ng langit ang iyong kahilingan. Kaya ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, hiling na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-22-29-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Susuwertehin ka at ang mga suwerte mo ay nasa pakikipagsapalaran. Kaya makipagsapalaran ka para hindi masayang ang iyong masusuwerteng araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-25-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Dahil noon pa man at hanggang sa ngayon, hindi bagay sa iyo ang nahihirapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-8-15-27-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang hanapin ang nawawala. Mas magandang maging positibo ka habang sinasalubong ang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-20-32-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang pinakamasuwerte mong araw sa buong buwan ng Disyembre. Inuutusan ka ng langit na humiling at anumang hilingin mo ay tiyak na matutupad at magkakatotoo bago sumapit ang 2026. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-21-31-33-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tapusin mo ang dapat tapusin. Hindi nakabubuti sa iyo na naiipon o dumarami ang mga gawain. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-27-35-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan ang mga opinyon ng ibang tao. Hindi puwedeng laging ikaw na lang ang tama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-26-34-40-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang inaakala mong walang maitutulong sa iyo, siya pala ang iyong higit na maaasahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-24-29-32-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibigla ka dahil sa pagpapalit mo ng pasya. Sa una, aakalain mong nagkamali ka, pero sa huli mauunawaan mo na rin na tama pala ang naging pasya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-28-34-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - ‘Wag kang tanong nang tanong, dahil mabagal ang pag-asenso ng mga taong palaging nagtatanong. Sa halip, kumilos ka nang kumilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-24-32-35.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page