Horoscope | Disyembre 23, 2020 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 23, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2020 (Miyerkules): Matalas ang isip mo, kaya mabilis kang magpasya. Makakaasa ka na iiwanan mo nang milya-milya ang iyong karibal at kakumpitensiya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaharap mo, ‘yun ang tutukan mo. Ito ang sikreto ng isa-isang paglutas sa mga pagsubok kung saan sa huli ay luluwag at giginhawa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-25-39-40-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang itinatama ng panahon ang pagkakamali. Ang mahalaga ay bukas ang isip mo sa pagbabago at kung paano pa gaganda ang takbo ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-26-28-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapupunta sa iyo ang para sa iyo. Ang mga nangahas na agawan ka ay ipapahiya ngayon ng langit. Makikita ng lahat na ang hatol ng kapalaran ay patas lang para sa lahat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-23-31-36-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Bilisan mo ang pagpapasya. Hindi naman kailangan ang matagalang pag-aaral sa mga simpleng bagay. Muli, bilisan mo ang pagpapasya. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-7-22-32-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maaakit ka sa masaya at maharot dahil aminin mo man o hindi, kulang na kulang ka sa pagsasaya at pakikisalamuha sa kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-19-27-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka sa babala. Mas maganda ang nag-iingat kaysa sa malakas ang loob na hindi iniisip ang puwedeng mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-28-31-32-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumulong ka pero sa iyong pagtulong, huwag mong lalagpasan ang iba na mas nararapat tumulong sa nangangailangan. Ito ay upang makaiwas ka sa malaking gulo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-25-29-34-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naghahanda ang langit ng malaking regalo sa iyo bilang premyo sa pagpapakita mo ng tapang sa harap ng mga pagsubok sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-28-35-37-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi aabutin ng mapaminsalang baha ang bahay na nakatayo sa mataas na lupa. Para sa iyo, ang ibig sabihin nito ay mas mataas na pangarap, mas maganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-21-25-29-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumating na ang mga araw kung kailan kambal-kambal na pananalo ang mapasasaiyo. Huwag mong kalimutan na ang mga biyaya ay pinahahalagahan at hindi sinasayang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-26-28-36-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumasaya ka agad sa masasayang salita. Pero ang higit na magpapasaya sa iyo ay ang pagkilos ng langit kung saan ang mga kahilingan mo ay biglang nasa mga kamay mo na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-26-32-38-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabibisto mo ngayon ang isang lihim. Panatilihin mong nasa lihim lang dahil wala sa panahon ngayon na malaman ng kinauukulan upang hindi lumala ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-29-33-36-46.




Comments