top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyembre 22, 2020 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 22, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2020 (Martes): Malakas ka kaya may takot sa iyo ang mga nakakaaway mo. Ang lakas mo ay mas magandang sa pagpapaunlad ng buhay mo ituon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka. Nagbabantay ang mga lihim mong kaaway na ikaw ay magkamali at pagtatawanan ka nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-23-27-39-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umaangat ang buhay ng taong kumapit sa positibong pananaw. Hindi mapigilan ang pagbulusok ng kabuhayan para sa mga taong negatibo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-21-28-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Bagsak-tayo, tayo-bagsak, pero sa huli, ang hindi huminto ang nakakakuha ng medalyang ginto. Huwag mong isuko ang iyong pangarap, anuman ang iyong maranasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-18-26-27-35-38.


CANCER (June 21-July 22) - Damhin mo ang saya at ligaya na nakikita mo sa mga mahal mo sa buhay dahil sa inyong magandang relasyon, pero damhin mo rin ang paghihirap nila dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-14-25-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan mas gaganda ang iyong kinabukasan, ‘yun ang iyong piliin. Bakit mo gugustuhin ang kasalukuyan na wala namang panagko ng magandng buhay para sa iyo? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-20-24-28-31-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makukuha ang kagustuhan ng positibong naghihintay. Ang naghihintay na wala namang ginagawang kaukulang pagkilos, ang aanihin ay kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-27-38-39-43-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hadlangan ang sarili mo na lumigaya nang dahil lang sa sasabihin ng mga tao. Mas masaya ang nakikinig sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-24-26-38-40-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Para sa iyo ang huling halakhak. Hindi pangmatagalan ang pagsasaya ng mga kaaway mo. Sa huli, hindi nila mapaniniwalaan na sila pala ang tatalunin at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-24-29-33-36-47.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit mo itutuloy ang pakikipagsapalaran sa alam mong walang panalo? Makipagsapalaran ka kung may posibilidad na manalo ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-29-32-36-40-41

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patas ang timbangan ng kapalaran. Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin. Magtanim ka para sa iyong kinabukasan. Makakatiyak ka na maganda ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-23-25-39-43-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong itago kung ano ka talaga. Sa huli, ang mapagkunwari ay masasaktan lang. Maging tapat ka sa sarili mo at sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-31-38-39-40-48.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit mo papansinin ang mga paladaing at reklamador? Hindi lang karamdaman ang nakakahawa dahil ang hindi mabuting ugali ay nakakahawa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-28-35-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page