Horoscope | Disyembre 21, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 21, 2022 (Miyerkules): Papataas nang papataas ang ranggo mo sa buhay dahil ikaw ay isinilang na para sa matataas na kalagayan. Huwag kang matakot na mag-ambisyon nang mataas dahil lahat ng ito ay para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magmalalaki. Ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagmamataas ay ibinababa. Ito ang gawin mong gabay sa buhay at makikita mo na papaunlad nang papaunlad ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-18-20-23-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Madadamay ka lang sa masamang ugali nila na hindi nakikita ang sarili dahil ang mga mata ay palaging nakatingin sa ginagawa ng kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-25-30-34-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Sumisikat din ang liwanag ng araw kahit panahon ng tag-ulan. Ngayon, kahit marami kang problema, hindi pa rin maiwasan na ikaw ay kilalanin at mabigyan ng premyo dahil sa mga ipapakita mong galing at husay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-21-26-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tutukan mo ang iyong ginagawa. Hindi maganda para sa iyo ang maraming iniisip at marami ang gustong gawin. Kapag isa lang ang pinagkakaabalahan, bumibilis ang kaunlaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-24-26-31-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang iyong sarili bago ka tumulong sa iba. Ito ang tunay na kahulugan ng sinasabing mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Kumbaga, mahalin mo muna ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-25-30-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo ang pagkatao ng bawat makakaharap mo. Ibig sabihin, hindi ka puwedeng magtiwala agad sa kahit na sino kahit pa maganda ang ipinakikita niya sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-27-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong balikan ang kalungkutan. Harapin mo ang bagong bukas, kung saan makakaharap mo nang personal ang iyong kaligayahan. Ito ang payo para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-21-26-28-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Inaakyat ang bundok at hindi madaling umakyat dito. Maging matapang ka at lakasan mo ang iyong loob habang tinututukan mo ang bundok ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-18-28-31-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Masayang balita ito, pero kailangan mo pa ring gabayan ang iyong sarili kung paano mo mas mapapaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-15-17-25-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa mga mapalad na umunlad ang buhay at mahahawa ka sa ganda ng kanilang kapalaran. Habang lumayo ka naman sa mga minamalas upang makaiwas ka rin sa kamalasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-22-27-30-36-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang hihinto sa paghahanap ng daan para sa magandang buhay mo. Ang huminto ay talo at wala nang pag-asa na gumanda ang kanilang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-32-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magparaya ka dahil mas mapalad ang nagpaparaya kaysa sa hindi marunong magbigay sa kapwa. Natutuwa ang langit sa mapagparaya at kinagagalitan ang may ugaling makasarili at masama. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-20-23-27-39-41.




Comments