top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyembre 20, 2022 (Martes)

  • BULGAR
  • Dec 20, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 20, 2022



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 20, 2022 (Martes): Palagi kang susubaybayan ng langit, kaya hindi mananaig ang iyong mga kaaway. Gayundin, patuloy kang pagpapalain at ang kapalaran mo mas aangat kaysa sa kanila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat bagay sa mundo ay may kani-kanyang araw. Ang araw na ito ay masuwerte mong araw para sa pagkakawang-gawa sa mga kapos-palad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Buksan mo ang iyong sarili sa mga bagong pakikipagsapalaran kung saan mailalabas mo ang tunay mong galing at husay. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-19-20-29-30-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil tututok ka sa gumugulo sa iyong damdamin. Ngunit hindi ito ang dapat mong pag-ukulan ng panahon, bagkus, ituloy mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-26-39-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Nagbalik ang araw na muli kang pagbibigyan ng langit sa iyong mga kahilingan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-21-24-27-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung alam mong madamot ka, huwag ka munang magdamot ngayon. At kung alam mong hindi ka madamot, magdamot ka. Ito ang utos ng iyong kapalaran ngayon. Sundin mo at ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamahinga ka dahil humihina ang iyong resistensya. Magpalakas ka dahil kailangan mong ipagpatuloy ang iyong mga pagsisikap. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-25-29-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang ibang tao at kahit na sino. Sapat ang mga katangian mo para gumanda ang iyong buhay. Ang kailangan mo lang ay ang manalig sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-27-31-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag sobra, magbawas. Mapapansing sobra ang iyong paggastos ngayon. Sa huli, mangangailangan ka pero wala kang maaasahan sa mga akala mong kaibigan na tutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-18-29-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masama kung hihingi ka ng payo sa mga mas mababa ang ranggo. Ang totoo nga, maraming magagandang ideya mula sa kanila, pero hindi nila kayang gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-24-28-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi puwede na biglaan ang pasya mo. Mag-isip ka muna nang mabuti dahil ang pagsisisi ay mas madalas na nasa mabilis na magdesisyon. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-29-32-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Damdamin ang iyong pairalin ngayon. Hindi ka makikinig kahit ang mga payo ay tama at makakabuti sa iyo. Ito ang babala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-27-35-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakita ng langit na pinanghihinaan ka ng loob, kaya alalayan at pagkakalooban ka ng mga biyaya hanggang magkaroon ka ng tiwala sa sarili. Dahil dito, uusbong ang mas marami mong suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-20-25-28-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page