Horoscope | Disyembre 20, 2020 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 20, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 20, 2020 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte sa buhay dahil sa mga kabutihan na ipinakikita mo sa iyong kapwa. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagaan ang loob mo sa nagpakita sa iyo ng hindi maganda. Babalewalain mo ang mga kilos niya dahil na rin sa mga biyayang nagdaratingan sa buhay mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo dahil sa kakaibang dating ng mga buwenas mo, puwede kang magdiwang kasama ang ilang malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-25-31-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpakumbaba ka at hahanga sa iyo ang langit. May karapatan kang magmataas, pero maalala mo na ang mapagmataas ay hindi maganda sa isang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-25-29-34-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Walang mabigat na gawain sa nagtutulungan. Huwag mong sarilihin ang iyong problema dahil ang mga kaibigan mo ay nasa tabi mo lang at handang tumulong sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-27-35-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng pangit na panahon. Kapag gusto, ginagawa kahit pa umuulan o matindi ang sikat ng araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-26-39-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpapalit ang mga takdang panahon nang sa gayun ay manariwa ang kapalaran ng bawat isa. Ihanda mo ang iyong sarili nang hindi masayang ang pagpapalit ng panahon ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-14-15-32-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi dahil nakalimutan ay hindi na maaalala pa. Sa biglang pagkikita ng isang naging bahagi ng buhay, ang magagandang pinagsamahan ay magbabalik sa iyong alaala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-20-26-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda pa ang takbo ng iyong kapalaran kahit nakararanas ka ng ilang pangyayari na para bang ayaw umusad ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-23-39-40-43-47.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagtangkaang buhatin ang mabibigat. Ibig sabihin, kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo nang sa gayun ay hindi ka masaktan at mapahamak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-23-38-41-44-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit mo tatanggihan ang inaalok sa iyong tulong? Hindi makabubuti para sa iyo ang palagi kang nagdududa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-24-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon. Ang maliit na kabutihan ay aakalain mong malaki. Mag-ingat ka dahil baka mahulog ka sa tukso tulad ng nangyari sa iyo noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-8-11-15-27-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, nagbalik ang mga araw na ikaw ay makikitang sinusuwerte kahit wala ka namang ginagawa para bumuti ang iyong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-27-29-39-40-42.




Comments