top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Disyembre 2, 2022 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 2, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2022 (Biyernes): Malakas ang iyong likas na karisma na puwede mong gamitin sa larangan ng pagnenegosyo. Ingatan mong magamit ito sa iba pang bagay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalambot ang puso at dadamin mo, kaya ang araw na ito at iba pang mga araw na darating ay masasabing, masuwerte sa pakikipagrelasyon at pagpapaamo ng kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-24-33-37-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula ang tuwa at saya mo sa mga minamahal mo. Mas magandang may ganting saya at tuwa nang sa gayun ay madama ang tila walang katapusang ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-16-27-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos ng iyong buhay dahil lihim kang inutusan ng langit na ang asikasuhin mo ay ang iyong love life. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-26-27-36-38.

CANCER (June 21-July 22) - Gagawa ka ng kabutihan sa kapwa mo at ang langit na palaging nakamasid ay gagawa naman ng kabutihan sa iyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-23-28-34-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maaawa ka at ang iyong kaaawaan ay mamahalin ka. Sa iyong panig, huwag mong ipagpalagay na ang awa mo ay isang tunay na pag-ibig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-20-22-25-30-31-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihina ang ang iyong mga lihim at lantad na kaaway. Nasa pinakamahina silang kondisyon at kung hindi ka maaawa sa kanila, wala na talaga silang kalaban-laban sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-24-25-33-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ang puso mo ngayon, kaya problema ang kakaharapin mo kapag naawa ka sa dating naging bahagi ng iyong buhay. Ito ay isang babala at mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-16-23-32-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa todong lakas ang suwerte mo ngayon. Mapapahiya ang mga naghahangad na mabigo ka at ang mga kontrabida sa buhay mo ay mamamangha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-25-31-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ramdam mong mas mataas ka kaysa sa mga pangkariwan at ito ay totoo. Gayunman, sa pagpapakumbaba, magdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-24-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May takdang panahon ang bawat aktibidad sa ibabaw ng mundo. Ngayon ang masuwerteng panahon para sa iyo pagdating sa pagkakawang-gawa sa kapwa. Maswuerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-21-25-28-36-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba na nagbabalikan ang iyong mga nakaraan? Kasamang babalik ang mga araw na sinuwerte ka nang paulit-ulit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-29-32-39-40-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dito sa mundo, ang natutulog ay nagigising. Ang natutulog mong mga suwerte ay magigising ngayon. Maitatala sa aklat ng iyong kapalaran na sa araw na ito, surpresang itatala ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-15- 26-30-34.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page