top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Disyembre 19, 2022 (Lunes)

BULGAR
Dec 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 19, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2022 (Lunes): Hindi lahat ay masuwerte. Ang mga pinaniniwalaang masuwerte, sa totoo lang, may mas mapalad pa sa kanila. Mula ngayon, ikaw ay mapabibilang sa mas mapalad sa mga masusuwerte sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy na guguhit sa kapalaran mo ang masasayang karanasan. Ito ay upang ganap mong makalimutan ang mga araw na nagbigay sa iyo ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalapit mismo sa iyo ang ilang suwerte na kapag niyakap mo ay magbibigay sa iyo ng masaganang buhay kung saan hindi ka na maghahangad pa. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-24-25-27-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Papalakas nang papalakas ang iyong negosyo. Hindi ka pa dapat huminto o mamahinga. Masasayang ang magandang takbo ng kapalaran kapag ikaw ay nagpahinga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-25-27-38-42.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang maganda para sa iba, ‘yun din ang maganda para sa iyo ngayon, lalo na sa pagpapataas at pagpaparami ng kinikita. Hindi masama ang gumaya sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-20-21-23-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong kumpiyansa. Mas maganda pa rin na tuloy-tuloy mong patatagin ang iyong kinabukasan. Marami na ang napahamak dahil sa labis na tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-24-26-34-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi ka nakahanda, kikilos ang iyong kapalaran para sa mas maunlad na kalagayan. Hindi dapat masayang ang pagkakataon, kumilos ka ayon sa takbo ng pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-28-29-31-32-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang makakatulong para matupad ang iyong mga ambisyon. Huwag kang mamili ng mga taong magiging pabigat pa sa buhay mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-23-26-34-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka lang sa mas nakakaalam. Sa ganitong praan, hindi ka mabibigo. Sumunod ka sa sarili mo na kapos sa kaalaman at tiyak na ang patutungahan mo ay masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-29-33-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang dagdagan pa ang iyong obligasyon. Ipaubaya mo ito sa iba na may sapat na kakayahan. Mas maganda kung tagapayo na lang muna ang papel mo sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-25-27-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inihahanda na ng langit ang malalaking suwerte na gugulat sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Gayundin, ihanda mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga bagay na hindi maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-29-31-32-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy ang langit sa paghadlang sa mga sagabal na ang mga layunin ay bigyan ka ng lungkot at sakit ng ulo. Ito ang araw na bibiguin at ipapahiya sila ng langit, habang ikaw ay patuloy na susuwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-28-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo lang ang may dalisay na hangarin para sa iyo. Siya ang hindi makapagsalita dahil sa matinding kaba. Layuan mo ang mahahabang magkuwento, sila ang nagsasayang sa mahahalagang oras at araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-33-36-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page