top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyembre 19, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 19, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2020 (Sabado): Hindi ka nagtataka kung mas masuwerte ka kaysa sa iba. Ito ay sa dahilang ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay nagsasabing “Ang suwerte ay iyong kakambal.”


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hahabulin ka ng mga suwerte dahil hindi mo pinapansin ang mga ito dahil abala ka sa ibang bagay. Ang mga ito ay mula mismo sa langit, kaya hindi puwedeng hindi mapasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-20-23-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang payo ng malalapit sa puso mo dahil mula sa kanilang mga sasabihin, gaganda ang iyong buhay. Muli, pakinggan mo at iyong sundin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-18-34-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka ng mga pabigat sa buhay mo dahil hindi nakakausad kapag mabigat ang pasan-pasan. Sa ganitong paraan, luluwag ang kapalaran mo at mabilis kang aasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-28-30-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Papaganda ang takbo ng iyong kapalaran at para magpatuloy nang magpatuloy, tutukan mo ang iyong mga pangarap. Ituloy mo ang pagsasakripisyo para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-29-30-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muling dumating ang mga araw kung kailan ang mga suwerte ay kusang naglalapitan sa iyo. Ngumiti ka, huwag masungit at maging magagalitin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-20-26-28-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong negatibo. Wala ka namang mapapala sa kanila kundi ang mahawa. Dumikit ka sa may magagandang pananaw at gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-29-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang masaya, siya rin ang panggagalingan ng iyong saya at ligaya. Sa kanila ka sumama at mawawala ang mga lungkot at pagdurusa mo sa ngalan ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-21-27-32-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makakabalik ka ngayon sa tunay na suwerte mo. Ang inakala mong ikaw ay susuwertehin ay walang basehan dahil ang totoo, ito ay akala mo lang naman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-28-30-39-40-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong nakaraan at hanapin mo ang araw kung kailan ikaw ay sobrang binuwenas. Matutupad sa buhay mo na ang mga suwerte ay pabalik-balik lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-15-26-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa harapan mo ang iyong suwerte, ibig sabihin, huwag kang manatili sa nakaraan at kasalukuyan. Humakbang ka papasulong nang sumulong din ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-21-22-25-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nawawala ang suwerte kapag hindi pinansin at napupunta sa iba na mapagpahalaga sa suwerte. Sunggaban mo ang magagandang oportunidad na nakikita mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-16-24-25-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Saan makikita ang mga suwerte mo? Saan pa nga ba kundi sa nasa malapit at malayo, ibig sabihin, ang araw na ito ay para sa iyo at may pagkakataon para umasenso ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-19-23-27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page