top of page

Horoscope | Disyembre 18, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 18, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayng Disyembre 18, 2025 (Huwebes): Yayaman ka ngayon. Kaya ipanatag mo ang iyong sarili habang nagsusumikap ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang iyong pinakagusto sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-35-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kaya mo, iyan lang ang gawin mo. Huwag kang mag-alala, dahil nakamasid sa iyo ang mata ng langit at ibibigay Niya sa iyo ang sobra at higit pa sa inaasahan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-21-28-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka bibiguin ng mga bituin sa langit. Iaayos nila ang kanilang mga sarili upang umulan ng magagandang kapalaran sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-23-25-30-44.


CANCER (June 21-July 22) - Tapusin mo muna ang tampo mo sa karelasyon mo. Magugulat ka, makakatanggap ka ng regalo mula sa langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-22-32-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatapat sa iyo ang pintuan ng grasya at mga pagpapala mula sa langit. Ang susi nito para bumukas ay ang pagiging mapagkumbaba at mapagparaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-20-29-31-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka para sa ikauunlad ng iyong buhay. Makikita mo, sunud-sunod na kikilos ang langit at ang lahat ay mapapabilis nang hindi ka mahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-21-26-39-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka nababagay, ru’n ka. Kaya ka nasasaktan sa nagdaan ay dahil dinadaya mo ang iyong sarili at pinipilit mo ang hindi naman tugma sa iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-22-24-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon  hahatulan ng langit ang mapanghusga, lalo na ang mga humuhusga sa iyo. Tatanggapin nila ang parusa ayon sa utos na huwag husgahan ang kapwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-28-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magkikislapan ang magagandang pangyayari sa iyong harapan, na ibinabalita na ang mga susunod mong araw ay punumpuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-26-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang tamis ang bungang kinuha sa pilit. Maghintay ka at huwag kang maiinip; ang pinakainaasam-asam mo ay mapapasakamay mo rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-24-31-38-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsumikap ka, para makatanggap ka ng malalaking suwerte at panalo. At ang malaking sikap mula sa iyo ay aani naman ng hindi mo mabilang na mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-23-27-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahon ang kailangan mo ngayon. Ang taong mahinahon ay nakakapag-isip ng tama, ngunit ang walang hinahon ay nasasadlak sa sangkatutak na malalaking suliranin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-13-26-34-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page