top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 18, 2022 (Linggo)

BULGAR
Dec 18, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 18, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 18, 2022 (Linggo): Ito ang araw na sa mapasasaiyo ang panalo. Ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay panalo sa bawat laban ng buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw na puwede mong simulan ang mga naantala mong gawain at plano. Makakaasa ka na ang aalalayan at gagabayan ka ng langit, kaya ang lahat ng mga biyaya ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-22-28-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdududa. Kikilos ang kapalaran mo na pabor sa iyong mga kagustuhan kahit paminsan-minsan ay nawawalan ka ng pag-asa. Wala kang dapat gawin kundi ang magtiwala sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-20-25-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kagalingan ang mapasasaiyo. Anuman ang nadarama mong hindi maganda, kusa itong mawawala dahil gusto ng langit na magpatuloy ka sa mga aktibidad na magpapaunlad sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-24-26-38-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mong matapang ka kahit sa totoo lang ay naduduwag ka. Magugulat ka dahil talagang mapasasaiyo ang tapang at mag-aatrasan ang iyong mga lihim at lantad na kaaway. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-21-23-30-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan mo nang ikaw ay sumigla. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng kagalingan. Una sa lahat, sikat ng Haring Araw ang iyong sikreto. Kahit sandali lang, magpaaraw ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-22-25-34-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga negatibong komentaryo. Higit kaninuman, ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili at hindi sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-20-24-39-41-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nag-aabang at gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Hindi ka dapat manamlay dahil sa isang tao na hindi mo makaunawaan. Iwasan mo siya at ituon mo sa mas produktibong gawain ang iyong oras. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-11-14-25-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumubukas pa ang ilang pintuan at bintana ng magagandang oportunidad para sa iyo. Huwag na huwag mong kakaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-15-16-20-21-28.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung bibilangin mo, marami ang mga araw na masuwerte ka. Ang isa pang masuwerteng balita ay nagsasabing, sa araw ding ito, ikaw ay susuwertehin pa rin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-26-29-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa malalakas ang loob dahil ang totoo, aminin mo man o hindi, mahina ang iyong loob. Ito ang susi nang sa gayun ay talagang lumakas din ang loob mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-26-29-31-32-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapalit ng mga plano kahit ano ang mangyari. Sapagkat ang mga nauna mong plano ay papaboran ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-26-28-34-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ito ay nagsasabing, mangulit ka at makukuha mo ang gusto mo. Ano pa ang hihintay mo? Mangulit ka na ngayon. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-27-28-30-31-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page