top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Disyembre 18, 2020 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 18, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 18, 2020 (Biyernes): Sapat ang lakas ng loob mo para magtagumpay ka sa buhay. Makaranas ka man ng kabiguan, lakas pa rin ng loob ang iyong panlaban.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag mong palampasin ang masuwerteng araw mo, kaya ihakbang mo ang iyong mga paa papasulong sa magandang kinabukasang iyong inasam-asam. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-26-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo na ang kakayahan ng mga nagsisilapit sa iyo. Huwag kang maniwala sa mga salita. Mas magandang paniwalaan mo ang kakayahan mong basahin ang iyong kaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-16-26-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lahat ay nakukuha sa palakasan ng loob. Mabibigo ka kapag hindi mo pinag-aralang mabuti ang papasukin mo kung saan sa totoo lang, kaunti lang ang iyong alam. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-25-27-42.


CANCER (June 21-July 22) - Palalakasin ka ngayon ng langit dahil nakita na mahina at wala kang magawa laban sa mga nagnanais na mabigo ka. Ngayon, tatapang ka at sila ay makakalasap ng kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-25-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Alalahanin mong minsan, nang sumobra ang kumpiyansa mo ay napahiya ka sa maraming tao at sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-17-20-23-25-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang magtanong, lalo na kung kailangan mo ang mahahalagang impormasyon. Ang masama ay ang naglalakas-lakasan ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-22-28-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon na! Dumating na muli ang araw kung kailan puwede mong simulan ang mga plano mong hindi mo maituluy-tuloy dahil noon ay pinanghihinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-24-26-34-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masuwerte ka, kaya makipagsapalaran ka at mananalo ka. Kahit hindi ka naman makipagsapalaran, gaganda pa rin ang iyong kapalaran dahil ang totoo, ikaw ay masuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-20-29-30-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papabor sa iyo ang mga pangyayari. Puwede mong gawin ang anumang gusto mong gawin at kahit may pag-aalinlangan sa isip mo, ituloy mo pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-22-24-28-31-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang natural mong depensa ngayon, kaya umiwas ka sa may karamdaman at lugar na hindi malinis ang kapaligiran. Mas mabuti ang nag-iingat kaysa magkasakit ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-23-35-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang dikit nang dikit sa kilala mong malakas ang loob. Mas magandang hindi ka madamay sa resulta ng maling paggamit ng lakas ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-19-21-24-26-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang tumulad sa mahihina dahil ang mahina ay bigo sa buhay at naghihirap na ang sinisisi ay ang kapwa at hindi ang kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-15-26-29-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page