top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | Disyembre 16, 2024 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 16, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2024 (Lunes): Maraming suwerte ang naghihintay sa iyo sa malayong lugar. Kaya naman, mangibang-bansa ka! 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Salubungin mo nang may masayang ngiti ang bawat araw mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-19-24-39-41-45. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng inspirasyon sa mga malalapit sa iyo, malaki ang maitutulong nila para mas umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-4-18-25-27-33-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin muna ang mga dapat mong tapusin, nang sa gayun ay dumating na rin ang mga bago at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-11-16-20-26-30-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Maglalaro ang iyong  imahinasyon ngayon.  Ang huling matutukan ng iyong isipan ay lakipan mo nang kaukulang pagkilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-29-33-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipilit ang gusto mo. Hintayin mo ang magandang pagkakataon saka mo isagawa nang maayos ang lahat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-10-19-21-23-28.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naguguluhan ka dahil ayaw mong tumigil sa kaiisip ng problema. Kapag pinagana mo ang kamay mo, makakaasa ka na ang problema ay malulutas agad. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-25-27-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang masyadong mapili.  Sa ganitong paraan tiyak na mawawala ang iyong pagkalito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-24-29-31-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil mapapasaiyo ngayon ang mga gusto mo. Minsan ang pangungulit ang susi sa tagumpay at maligayang pamumuhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-23-28-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang  iyong kapalaran, ngayon mo iguhit kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-14-29-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hanapin mo ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-17-26-31-39-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papayag na maapektuhan ka ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-27-33-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sugurin mo ang pangarap mo. Huwag kang maduduwag nang sa gayun ay maabot mo ang maliliit at malalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-24-29-35-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page