Horoscope | Disyembre 16, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 16, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2022 (Biyernes): Makakaharap mo nang mukhaan ang mga suwerte mo sa malayong lugar. Ang payo ng kapalaran sa iyo ay mangibang-bansa ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang araw na ito na mayaman ang iyong kaisipan. Para lubusan mong pakinabangan, itutok mo ang iyong isip kung paano mas mapapaunlad ang iyong negosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng payo sa mga nagtagumpay na hinggil sa binabalak mong pagsisimula ng pagkakakitaan dahil gusto mong makatulong sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-15-16-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili dahil may babala na dadayain mo ang sarili mo sa mga maling katha ng iyong isip na malayong magkatotoo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-22-27-34.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpapatuloy ang malakas mong karisma, kaya hindi lang tao ang maaakit mo. Bagkus, sa panahong ito na nalalapit ang Kapaskuhan, maaakit mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-28-30-32-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalawak ang mundo mo ngayon dahil may magsasabi na ikaw ang nag-ayos ng mundo niya. Dahil dito, bibigat ang responsibilidad mo, pero kayang-kaya mo pa rin naman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-24-26-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi sapat ang marami mong nalalaman sa problema na iyong kinakaharap sa kasalukuyan, pero sapat ang kakayahan mong magdagdag pa ng mga ideyang may malaking maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-25-28-31-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nakaalalay sa iyo kaya hindi ka gaanong maaapektuhan ng mga problemang pumapasok sa iyong kapalaran. Bagkus, mga aral sa buhay ang mapasasaiyo upang lalo kang tumatag at magpakayaman. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-10-15-18-23-32-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakamasid sa iyo ang langit kahit sa totoo lang, ikaw ay nawawalan na ng pag-asa. Dati nang nangyari ito sa iyo at ngayon ay ganu’n pa rin. Gayunman, hindi ka pababayaan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-14-25-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malabong matangay ka sa pagkakamali dahil sa dami ng naipon mong karanasan at kung sakaling hindi sinasadya na nagkamali ka pa rin, maitatama mo ito hanggang sa tuloy-tuloy ka nang lumigaya at umunlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-22-25-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maniniwala agad sa sinasabing madali kang kikita ng malalaking halaga. Hayaan mo silang magdusa sa magiging resulta ng kanilang mabilisang paghahangad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-17-26-30-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mabibihag ngayon ng mga mandaraya. Para makaiwas ka, pakinggan mo ang mga taong mahal mo, gayundin ang malalapit sa iyo. Sila ang iyong magiging proteksyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-15-17-23-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Para sa iyo, walang huli dahil hindi nagwawakas ang mga pangyayaring ayaw mo pang matapos. Ang nakakatuwa, bukod sa nagagawa mong maayos ang lahat, mas marami pang suwerte ang darating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-28-33-34.




Comments