Horoscope | Disyembre 15, 2024 (Linggo)
- BULGAR

- Dec 15, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 15, 2024

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2024 (Linggo): Kagandahan ang makikita mo sa lahat. Kaya naman, makakaasa ka ngayon na gaganda rin ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga nagpapakita sa iyo ng kakaibang pagtingin. Suriin mong mabuti ang kanyang layunin, dahil hindi puwedeng masira ang magandang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-22-28-30-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas malakas ka ngayon kesa dati. Kaya naman, hindi ka mabibigo ngayon. Ano pang hinihintay mo? Gawin mo na kung ano’ng gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-16-21-32-36-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Malakas ngayon ang iyong karisma na puwede ring masabing gayuma. Kung hindi mo ito maaagapan, maaakit mo rin ang mga taong walang karapatan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-19-27-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nagtatangka ang iyong kapalaran na ayusin ang iyong love life. Ang payo para sa iyo ay bigyang daan ang pagbabago at huwag mong ipilit ang alam mong hindi na tama. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-18-24-26-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Binigyan ka ngayon ng pagkakataong likhain anuman ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-21-25-35-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto hangga’t hindi ka pa nakukuntento. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-29-33-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bilang patunay na mahal ka ng langit, muling ibinalik ang mga araw kung kailan muling dadagsa sa kapalaran mo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-9-15-19-23-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mukhang napakalalim mong mag-isip ngayon. Bawas-bawasan mo ang kalaliman upang makita mo ang masasaya at magagandang kaganapan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-12-18-24-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikilos mismo ang kapalaran mo upang bigyang katuparan ang malalaki mong pangarap. Wala kang ibang dapat gawin ngayon kundi manatiling positibo. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-4-10-19-34-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umuusbong ang mga bagong pag-ibig mula sa humahanga sa iyo. Ang mga takot magmahal ay unti-unting magkakaroon ng lakas ng loob. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-13-17-22-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalita ang araw na ito na mali ang akala mo na wala ng dagdag-suwerte sa mga suwerteng sumasaiyo. Ang totoo, mas marami na ang nagdadatingan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-14-27-31-35-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pansinin mo, may kakaibang liwanag sa gilid ng mga ulap. Titigan mo at ang magiging resulta sa buhay mo ay mawawala na ang iyong mga problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-26-28-30-33.



Comments