Horoscope | Disyembre 14, 2022 (Miyerkules)
- BULGAR
- Dec 14, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 14, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2022 (Miyerkules): Narito ang sikreto ng iyong kapalaran. Pakinggan mo dahil ito ay nagsasabi na isa lang ang iyong tutukan at tiyak na ikaw ay sobrang yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Unahin mo ang pagpapaunlad ng kabuhayan. Ngayon ang panahon para mas kumita ng marami at mas malalaking halaga. Huwag mong sayangin ang mga araw na ito na suwerte sa negosyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-25-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na puwede kang yumaman nang mabilis. Ito ay kung magiging mas seryoso at desidido ka sa iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-10-14-16-23-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na pasasayahin ka ng langit at ang mga nasa paligid mo ay makikibahagi sa kakaibang saya mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang tuloy-tuloy pang bumuhos ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-20-24-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mo ang mabilis na pagpapasya. Marami sa mga pagkakamali at pinagsisihan mo ay ang hindi muna pinag-aralan nang mabuti ang iyong mga desisyon sa nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-18-21-25-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat makampante sa tinatamasa mong mga suwerte. Kapag huminto ka, masasayang ang dapat na mapapasakamay mong mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-26-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabilis nang pabilis ang iyong pag-asenso. Huwag mong kakaligtaan na may mga obligasyon ka sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang paalala para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-20-25-29-38-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paghandaan mo ang nalalapit na araw kung kailan kailangan mo ang maraming bagay para mapasaya ang malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-24-26-35-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo lang ang kailangan mo at huwag ka nang maghangad ng iba pa. Sa ganitong paraan, marami ang hahanga sa iyo at igagalang ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-28-32-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa iba ang suwerte na iyong tinatamasa. Paghandaan mo ang mga araw na maraming umasa na sila ay makakatanggap ng mga biyaya mula sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-17-26-28-31-39
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang nagpapapansin. Itutok mo lang iyong ang isip sa ginagawa mo. Hindi ka dapat maapektuhan ng mga kilos at pananalita na aagaw sa atensyon mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-22-27-33-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto ng iba, ‘yun ang iyong ibenta. Ito ang sikreto sa maunlad na negosyo. Huwag kang magkakamali na ang gusto mo ang iyong magiging produkto. Masuwerteng kulay- red. Tips sa lotto-12-20-26-30-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isa-isa at una-una lang. Hindi mo puwedeng pagsabay-sabayin ang mga gusto mong gawin. Kaya bumabagsak ang negosyo ay dahil sa dami ng laman ng isipan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-22-24-27-32-35.




Comments