Horoscope | Disyembre 13, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 13, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 13, 2025 (Sabado): Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw para matupad ang iyong mga pangarap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagkakasakit ang sobrang matipid. Kaya huwag mong pahirapan ang sarili mo, mas maganda kung magsaya ka – mag-outing, mag-swimming, maglibang at magpakaligaya kasama ang iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-29-31-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - May baitang ang hagdan ng tagumpay, at ang bawat baitang ay ang mga kabiguang pinagkukunan ng mga aral sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-24-28-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Okey lang naman kung mabilis ang pagkilos mo, dahil bukas pa rin naman ang isip mo sa anumang puwede mong baguhin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-20-25-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Maramdamin at maikli ngayon ang iyong pasensya. Kaya naman, layuan mo muna ang mga taong hindi mo gaanong gusto ang ugali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-17-26-28-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mabibigyan mo ng suwerte ang iyong kinaiinisan at dito rin magsisimula ang pagkakaroon ninyo ng bonding. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-23-27-30-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na makakaramdam ka ng tila mabigat, pero pakiramdam mo lang ito at hindi ito totoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-22-32-36-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang gustong samantalahin ang iyong kabaitan at magandang asal. Kung hindi ka magiging maagap, madaragdagan ang mga kaibigan mong mahilig manlamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-24-35-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangan mo ang lakas, kaya mamahinga ka. Mas maganda ang maagap kesa sa hindi nakikinig sa payo ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-23-29-31-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-13-25-27-37-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas makatangay ang saya at ligaya. Ang unang natatangay ay ang isip at kapag natangay ang isip, makakalimutan mong magtipid. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-17-20-33-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang magpapasaya sa mga taong lugmok. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-21-28-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo ang iyong mga pangarap. Ito ang magsisilbi mong panlaban mo sa mga walang kakuwenta-kuwentang pag-aaksaya ng oras at salapi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-22-30-36-41.




