Horoscope | Disyembre 13, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 13, 2022 (Martes): Mapupunta sa iba ang mga suwerte mo dahil hindi mo ito inilalagay sa iyong sarili. Unahin mo ang iyong sarili bago mo payamanin ang ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na hindi mo inaasahang magbibigay sa iyo ng alalay ang isang malayo sa iyo. Habang ang inaasahan mo ay hindi mo pala maaasahan ngayon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-28-29-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung masisira ang araw mo dahil sa isang tao, mas maganda na nag-iisa ka o walang kasama. Ang mensahe para sa iyo, masarap mabuhay nang payapa at may katahimikan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-18-23-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit mabilis ang iyong kilos, panatilihin mo ang talas ng iyong isip nang sa gayun ay hindi masayang ang mga oportunidad na nasa landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-29-20-28-31-35.
CANCER (June 21-July 22) - Paglago ang mapasasaiyo sa araw na ito. Hindi lang sa kabuhayan kundi ikaw ay maraming kaalaman na mapakikinabangan sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-27-28-37-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo ng iba dahil sa iyo mabubunton ang inis ng mga argabiyado. Hindi ka naman talaga kasali sa gusot nila, ngunit ikaw pa ang masisisi at sasakit ang ulo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-22-29-37-41-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang iyong talino, makakaiwas ka sa kabiguan. Gayundin, sa pamamagitan ng iyong talino, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-27-32-35-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapadaya. Hindi lahat ng magandang salita ay tama at lalong hindi tama ang mga nasobrahan sa pagsasalita ng magagandang balita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-8-11-14-26-29.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, may katwiran ka na layuan ang mga tao na maraming inililihim sa iyo. Ito ang sikreto at mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-25-35-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagkaabalahan nang husto ang problema ng iba dahil mauubos ang oras mo. Hindi makabubuti kung mawawala ka sa pagtutok sa sarili mong pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-23-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaking suwerte ang nakakapit sa nilulutas mong problema. Inihanda na ng langit ang iyong premyo, kaya huwag mong takasan ang iyong mga suliranin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-23-37-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami nang nawala at lumayo sa iyo, ngunit may mananatili upang ikaw ay samahan, at ito ay ang langit. Dahil kakampi at kasama mo ang langit, kasunod nito ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-25-29-30-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihakbang mo ang iyong mga paa at sisigla ka. Ito ang susi ng kapalaran mo, kung saan sa bawat paghakbang, ikaw ay papalapit nang papalapit sa dulo ng iyong pinakamalaking ambisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-25-27-36-38.




Comments