Horoscope | Disyembre 12, 2025 (Biyernes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 12, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2025 (Biyernes): Ipanatag mo ang iyong sarili kahit pa may intriga kang naririnig. Anuman ang mangyari, maaabot mo pa rin ang iyong ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong sumama ang loob nila sa iyo. Mas maganda kung ikokonsidera mo rin ang kanilang damdamin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-20-24-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan na ang magagandang oportunidad sa buhay mo. Kaya piliin mo ang mga bagay na umaayon sa mga plano mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-21-25-38-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Makinig ka munang mabuti bago ka magbigay ng opinyon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5–7-22-28-31-41.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang damdamin mo kapag nalilito ka na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.Tips sa lotto-2-12-27-30-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Para sa iyo ang mga taong lumalapit sa iyo. Ganito lang kasimple ang ilagay mo sa isip mo para mapanatag ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-19-23-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gagabayan ka ng sarili mo. Kaya kung ano ang pinakamaganda, ‘yun ang ipakita mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-26-28-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang dumikit sa mga taong wala ka namang mapapala. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-7-13-22-24-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumikit ka sa mga may ranggo at mayayaman. Malaki ang maitutulong nila sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-18-21-27-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito! Ang sinumang kumontra sa mga kagustuhan mo ay mababawasan ng suwerte at malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.Tips sa lotto-5-11-20-25-31-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paangat nang paangat ang kapalaran mo. Pero kahit na ganu’n, hinay-hinay lang para hindi lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-14-26-33-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papatangay sa mga taong mabibilis magpasya, bagkus pag-aralan mo munang mabuti ang sasabihin nila para ‘di ka malagay sa alanganin. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-19-21-30-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang sa takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-17-22-35-38-43.






Comments