top of page

Horoscope | Disyembre 12, 2024 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 12, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2024 (Huwebes): Itinalaga ka sa mataas na posisyon. Magkagayunman, huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pangalagaan mo ang iyong magandang imahe at ipagpatuloy mo ang paglayo sa mga bagay na makakasira sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-25-36-41-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo sa ngayon, dahil kahit hindi ka malakas, magagawa mo pa ring tulungan ang mga taong malalakas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-24-31-39-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Masasayang kuwento ang puhunan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-26-28-32.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magkunwari kang mababa at pangkaraniwan. Sa ganitong paraan, hindi ka mauubusan ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-22-31-35-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Naiiba ang takbo ng kapalaran ayon sa iyong pananaw. Baguhin mo ang nakaugalian mong istilo lalo na kung hindi na ito angkop sa makabagong panahon. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-4-10-21-29-36-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inihahanda na ng iyong kapalaran ang isang malaking sorpresa para sa iyo. Kaya naman, ihanda mo rin ang sarili mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-19-23-38-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang susi para mapagana mo ang malakas mong gayuma. Isuot mo ang paborito mong kuwintas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-7-14-25-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Natalo mo na ang mga pagsubok sa nakaraan dahil sa kakaibang tigas ng iyong kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-15-16-22-28.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na ang magandang kapalaran ay nagsisimula nang dumating sa iyong buhay. Salubungin mo ito nang may positibong pananaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-21-23-27-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huhusgahan ka ngayon ng marami. ‘Wag kang mag-alala at ‘wag ka rin gumaya sa mga naririnig mong panghuhusga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-29-35-40-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mayayanig ngayon ng mga intriga. Sa halip, ang mayayanig ay ang mga sinungaling dahil mas lalong gumanda ang takbo ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-24-27-32-37-39.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Dahil isa lang ang hiniling mo, pero dalawa ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-28-34-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page