top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Disyembre 12, 2022 (Lunes)

BULGAR
Dec 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2022 (Lunes): Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran. Aasenso ka hanggang gusto mong umasenso dahil ngayong Kapaskuhan, ang langit ay palaging nakaalalay sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinaaalala ng iyong kapalaran na hindi ka muna dapat tumigil sa pangangarap dahil ngayon, habang nangangarap ka, ang mga suwerte ay magdadatingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-25-26-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Angat na angat ka kung ikukumpara sa iba ang pagdating ng mga suwerte sa buhay mo. Ang kulang lang sa iyo ay ang pagtukoy kung ano ang gusto mo. Tukuyin mo na ngayon at ‘yun ang unang gawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-22-25-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang agos ng kapalaran. Habang nakasakay ka, gumawa ka ng pagbabago na hindi pa sinusubukan ng kakumpitensya mo. Gagayahin ka nila, pero ikaw ang mauuna. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-18-20-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Pinagsisikapan ang pag-akyat sa tuktok ng tagumpay. Hindi totoo ang sinasabi sa iyo na walang kahirap-hirap kang kikita ng malaki at ikaw ay yayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-21-24-26-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Utos ng kapalaran ang iyong nararanasan, kung saan ikaw ay pinipigilan na maging sobrang galante ngayon at sa darating pang mga araw. Ito ang katotohanan para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-24-25-36-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang maalala mo na sa araw na ito, pinagpapala ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Bibiyayaan ka kapag pinasaya mo ang alam mong naghihirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-24-37-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit kaninuman, dapat kang maniwala sa iyong kakayahan. Ito ang numero-unong sikreto ng magandang kapalaran mo. Pakinggan mo ang mensaheng ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-26-27-30-33-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang ang sikerto ng agos ng buhay na umiiral ngayon. Kung sino ang masaya ay mas papasayahin pa. Kaya itago mo muna ang iyong kalungkutan at magsaya ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-28-34-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa lang ang dahilan ng kawalan ng pag-usad ng kapalaran. Una, walang tiwala sa sarili at pangalawa, hindi palakaibigan. Baguhin mo ang iyong personalidad upang magbago rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-18-20-22.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Noon pa man, sinusuwerte ka na dahil sa pagkakawang-gawa mo. Ngayon, mas bubuwenasin ka kapag ang pagkakawang-gawa ay dadalasan mo pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-29-31-32-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli, kumilos ka nang kumilos upang ganundin ang iyong kapalaran para sa iyong masaganang buhay. Ito ang katotohanan para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-22-25-26-28-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga paladaing. Sapagkat ngayong Kapaskuhan, hindi lang sakit ang nakakahawa, bagkus, puwede kang mahawa sa kanila. Sa huli, magiging paladaing ka rin na batbat ng sama ng loob sa langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-26-30-34-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page