top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Disyembre 12, 2020 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 12, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 12, 2020 (Sabado): Isinilang ka nang taglay ang kakaibang ganda. Mananatili kang maganda sa habang panahon at maging ang mismong kapalaran mo ay magiging maganda.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ka sa gandang panlabas, pero wala kang dapat ipag-alala dahil may maganda sa paningin na maganda rin ang personalidad. Ito ngayon ang madidikit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-19-20-23-27.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Guguhit sa kapalaran mo ang pagkanda-gandang pangyayari na tinawag na suwerteng-anong-ganda. Ibahagi mo sa mga kapus-palad ang iyong magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-22-25-36-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Magandang kumilos at maganda ring mag-isip, sino kaya siya? Sino pa nga ba kundi ikaw. Marami ang hahanga sa iyo at magnanais na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-24-25-34-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang mga tao ang aalalay sa iyo para magkaroon ng katuparan ang iyong mga ambisyon. Aalalayan ka rin ng langit para mapasaiyo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng saya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa tukso, pero bago mo ito magawa, matutukso ka muna pero matatauhan ka. Kaya ang payo na lumayo sa tukso ay ipapayo mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-18-28-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Piliin mo ngayon ang may wagas at dalisay na pagkatao. Hindi ka na muling magkakamali kung saan ang napili mo sa nakaraan ay hindi nakaganda sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-21-24-25-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling ibabalik sa iyo ng langit ang masusuwerteng araw mo para ang mga pinalagpas mong magagandang kapalaran ay puwede nang mapasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-16-27-30-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minsan, magkaiba ang katotohanan kaysa sa gusto ng tao. Tanggapin mo ang reyalidad at huwag ipilit ang maganda nga pero hindi naman isang katotohanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-26-28-30-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran, pero may kondisyon na nagsasabing umiwas ka sa may mapanuksong mga kilos at pananalita. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-16-20-21-24.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas maganda sa iyo kung pananatiliin mo ang pagiging mahiyain mo dahil ang makukuha mo ay seryoso kung saan hindi ka dadayain. Sa halip, siya ay magiging tapat sa iyo. Masuwerteng kulay- blue. Tips sa lotto-5-14-15-21-26-29.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananalo ka ngayon, hindi lang sa pakikipagsapalaran kundi mananalo ka rin sa larangan ng pagmamahalan. Kaya ang mga karibal mo ay susuko sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-16-17-26-28.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naglungkot-lungkutan ka at ikaw ay pinasaya. Ngayon, malilito ka dahil mas masarap pala ang malungkot kaysa masaya kung saan ang pinasasaya mo lang ay ang mga tao sa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-21-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page