Horoscope | Disyembre 11, 2025 (Huwebes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 11, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 11, 2025 (Huwebes): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa bawat laban ng buhay mo. Kaya makaaasa ka na ang langit ay laging nakaalalay sa iyo at laging handang damayan ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panahon mo ngayon, kaya inuutusan ka ng langit na magsipag bago ka tuluyang tamarin. Oo, samantalahin mo ang iyong panahon at huwag kang titigil hanggang sa magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-19-28-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin ang dapat na tapusin, dahil ang mga bagong suwerte ay hindi basta-basta dumarapo sa mga taong may kailangan pang tapusin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakukuha ng mapagpilit ang kanyang gusto, habang wala namang napapala ang hindi seryoso. Ipakita mo na talagang gusto mo ang isang bagay at makakaasa ka na ito ay mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-24-27-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Gumawa ka ng maganda para makaani ka ng maganda. Pero kapag nagtanim ka ng sama ng loob, sama ng loob din ang aanihin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-20-26-31-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo gusto ang ugali ng isang tao, tulungan mo pa rin. Dahil ang misyon mo ngayon ay ang tumulong sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-13-25-31-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tapatan ng galit ang galit. Isabuhay mo na kahit sobrang hirap, ang sinasabing ang pag-ibig ay ang katapat ng galit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-22-28-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka titingin sa mga hindi maganda? Tingnan mo lahat ng may ganda sa iyong mga mata. Malalim ang mga salitang ito, pero ito rin ang magpapaganda sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-24-30-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lahat ay may pangangailangan. Tandaan mo, walang perpekto sa mundo. Tanggapin mo ang katotohanang ito para matuklasan mo na sa mga salitang ito nakalihim ang katiwasayan ng isipan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-12-25-27-35-42.
SAG
ITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi hinahanap ng langit ang walang kakayahang tumulong sa kapwa, pero ang inaasahan ng langit ay ang mga taong kayang tumulong. Kaya tumulong ka! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-21-29-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipinapaalala sa iyo na ang lahat ay kailangan ng pahinga. Hindi lang sa katawan kundi maging sa isipan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-25-28-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong pasanin ng mga mahal mo ang iyong mga kailangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-27-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunsintihin mo ang sarili mo. Makakaramdam ka ngayon ng kakaibang saya. Ang kakaibang saya na ito ang magtutulak sa iyo upang mas lalong magsumikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-23-33-36-41.






Comments