top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyembre 11, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 11, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 11, 2024 (Miyerkules): Hindi ka mabibigo ngayon sa iyong ambisyon. Ito ang ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy na gaganda ang buhay mo. Ang mga pangyayaring halos sukuan mo ay gagaan na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gaganda pa lalo ang takbo ng iyong kabuhayan, ito ang pangako ng iyong kapalaran. Kaya naman ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-25-34-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking salapi ang naghihintay sa iyo ngayon. Kaya naman sumugod ka nang sumugod hanggang sa magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-13-21-26-37.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang mga kaganapan sa buhay mo dahil ang sinasabi mong kinalimutan mo na ay muling magiging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-31-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nabuhay ka sa sobrang tiwala sarili, huli mo na mamamalayang ubus-ubus ka na pala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-23-25-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaki pa ang iuunlad ng iyong kabuhayan, lalo na kung magpopokus ka rito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-17-21-28-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matukso sa pagbili ng mga bagong kasuotan. Mas maganda kung isuot mo muna ang mga damit na hindi mo pa nagagamit, dahil ito ang magdadala sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-24-38-41-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon para magsaya ka. Kaya naman mamasyal ka nang mamasyal para ‘di ka layuan ng suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-20-27-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mas maganda kung marunong ka maghanda para ‘di ka rin natataranta sa mga ginagawa mo. Ano pang hinihintay mo? Maghanda ka na! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-22-28-30-33. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagalingan sa karamdaman ang ibinabalita ng iyong kapalaran. Kaya ang iyong takot, pag-aalala at pangamba ay mapapalitan na ng tuwa at kagalakan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-18-26-38-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng maluwag at magaan na damit, sa ganitong paraan ka bubuwenasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-21-25-32-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo at turo sa iyo, dahil higit nilang alam kung ano ang maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-17-24-34-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page