Horoscope | Disyembre 11, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 11, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 11, 2020 (Biyernes): Bibiyayaan ka ng masuwerteng kapalaran. Gayunman, dapat maging masinop ka at mapagpahalaga sa mga pagpapalang sumasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ididikit sa iyo ngayon ng langit ang isang masayahing nilalang na kung makikisakay ka sa kanyang saya, dadapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-26-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gustong pumasok sa kapalaran mo ng mga suwerteng noon pa ay gusto kang pasayahin. Kalimutan mo kahit pansamantala lang ang kabiguan nang sumaiyo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-27-28-32-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Pasayahin mo ang nasa paligid mo at pasasayahin ka ng langit kung saan ang mga dagdag na suwerte ay mapasasaiyo. May lihim ka ring mahahatak na suwerte at magagandang kapalaran sa mga mapapasaya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-15-26-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Ipanatag mo ang iyong damdamin at kung puwede ay matahimik ka at payapa. Sa ganitong kalagayan, kusang magbabalikan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-25-29-35-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Palaging ikaw ang nagbibigay ng grasya sa ibang tao. Ngayon, langit mismo ang magbibigay sa iyo dahil natagpuan na ang ilan sa tinulungan mo ay mga nakalimot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-24-28-32-37-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyang-daan mo ang mga hindi gaanong masayang pangyayari. Kailangang lumipas ang mga ito at pagkatapos ay mananariwa at magbabago ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-29-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalalanta kahit ang pinakamagandang bulaklak. Huwag kang malungkot dahil hindi rin magtatagal ay susulpot muli ang mga bulaklak na nagbibigay ng bango sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-16-22-27-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong itulak ang sarili mo sa walang katiyakan. Masarap umasa, pero ang mas masarap ay mabuhay sa reyalidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-12-21-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong sarili dahil humihina ang kalusugan ng sobrang seryoso sa hanapbuhay. Sa pagpapasaya sa sarili, may magagandang magaganap sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-24-27-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makapal at madilim man ang mga ulap, ang pagsikat ng Haring Araw ay hindi naman naaawat. Kumapit ka sa iyong pangarap dahil ang buhay mo’y magliliwanag. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-14-20-23-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isa lang ang hiningi mo, pero dalawa ang napasaiyo. Ang dalawang sumaiyo ay mas darami pa. Ang totoo, hindi naman bingi ang langit dahil ang mga panalangin at kahilingan mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-25-28-30-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang hahabulin ng saya kahit pilit kang nabubuhay sa lungkot. Dahil ang kalungkutan mo, kaya lang naman ayaw kang iwan ay dahil ayaw mo rin itong itakwil pa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-26-29-34-38-40.




Comments