Horoscope | Disyembre 10, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 10, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2022 (Sabado): Kahit saan ka tumira, palaging markado ang papel mo sa mundo, kung saan angat na angat ka kaysa sa mga pangkaraniwan na ikaw ang kanilang maaasahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa kapalaran mo ang isang munting suwerte na biglang magpapabago ng pananaw mo. Kahit hindi mo pinagsisikapan nang husto, puwede mong makuha nang madalian ang mga ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-11-16-27-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kontralado ang mga pangyayari sa iyong harapan, lalo na ngayon na kusang gumagalaw ang gulong ng iyong kapalaran na kung kailan nasusupresa ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-21-26-27-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi pa hihinto ang pagdapo sa iyo ng magagandang kapalaran. Hindi pa rin hihinto ang mga naiinggit sa iyo. Nagtataka sila kung bakit madamot ang suwerte para sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-18-20-24-26.
CANCER (June 21-July 22) - Mapasasaiyo ang hindi mo hiniling, habang ang hiniling mo ay hindi mo na makukuha. Ang mapupunta sa iyo ay paghahanda para sa nalalapit na pagdating ng malalaking buwenas mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-15-27-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Magsalita ka at ito ay magkakatotoo. Huwag kang magsasalita ng masama sa kapwa dahil ito rin ay magkakatotoo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-20-21-25-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapansin mo na dumadalas ang pagdalaw sa iyo ng mga kakaibang suwerte na nakakagulat dahil sa nakaraan ay inakala mong pinagdadamutan ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-29-30-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka sa mga palabigay na nakatutok ang atensyon sa iyo. Huwag mong kalilimutan na ang mga taong bigay nang bigay ay may hindi magandang motibo na puwedeng magpahamak sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-20-23-24-30-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang nararanasan mong papalakas at papasiglang kalusugan ay nagsisilbing paalala na kailangan mong pangalagaan ang iyong katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-18-29-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sa ngayon, kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ang anumang pagbuwelo ay ang hindi paggalaw na nag-iipon ng puwersa para sa muling pag-arangkada. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-24-25-38-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahawi ng langit ang madilim at makapal na ulap sa iyong kapalaran. Hindi magtatagal ay masisilayan mo ang liwanag ng pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-21-26-27-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napapagod ka na ba? Huwag muna dahil wala sa tamang panahon para magkaroon ng pagbabago sa iyong pakikipagrelasyon. Maghintay ka muna ng senyales mula sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-11-15-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pumanig ka sa mababa dahil kapag itataas sila ng langit, itataas ka rin at masasaksihan mo na ang mga nagmamataas ay isa-isang magsisibagsak. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-25-33-37-40.




Comments