top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyembre 10, 2020 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 10, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2020 (Huwebes): Marami ang gagamitin ka sa pansarili nilang layunin dahil sa maniwala ka o hindi, masuwerte sila sa iyo. Mas magandang gamitin mo ang suwerte mo sa iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat madaya ng iba. Para makaiwas ka, ang mas maganda ay piliin mong ikaw ay nag-iisa lang na tinatahak ang landas papunta sa dulo ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-22-27-30-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pangkaraniwan ang hindi pagkakaunawaan sa magkakapamilya. Hindi dapat masira ang diskarte mo sa buhay kung saan nakakahila ka ng mas maraming suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-27-28-37-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Mula nang ikaw ay isinilang, ang suwerte sa pakikipagsapalaran ay kakambal mo na, kaya ano ang ikinatatakot mo ngayon sa balak mong makipagsapalaran, lalo na sa larangan ng pagnenegosyo? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-25-28-34-35.


CANCER (June 21-July 22) - Papalakas ang hindi nakikitang puwersa ng buwan. Papalakas din ang iyong mga suwerte. Huwag kang magugulat kapag nakakagilalas na nakamamangha ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-24-32-33-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Init ng sandata ng kapalaran ang kaloob sa iyo ng Dakilang Manlilikha. Bakit ka manlalamig sa negosyong iyong sinimulan? Mas magandang mag-init ka nang ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-21-29-31-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipagtalo. Kahit ang sarili mo ay dinidebate mo. Ang mas mabuti ay kung ano ang maganda sa pakikipagtalo mo sa sarili, ‘yun mismo ang gawin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-26-28-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa tingin, ‘yun ang piliin mo. Kapag sumunod ka sa payo, kahit hindi maganda ay gustuhin mo. Alam mo na ang mangyayari kung saan mabubuhay ka nang malungkot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-27-30-35-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bibigyang-luwag ka sa iyong mga problema dahil ito ang regalo sa iyo ng langit ngayon kung saan ang mga pagkakamali mo ay hindi puwedeng maging sanhi ng iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-24-27-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang ikaw ay mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwan at tiyak na ikaw ay magiging mas mataas sa kanila. Gawin mo at magugulat ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-29-30-31-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa na nakapagtataka ang kapalaran mo ngayon dahil kung sino ang sobrang kinaiinisan at ayaw na ayaw mo, sila pa ang iyong suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-27-35-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tularan mo ang mga ibon na malaya at masayang lumilipad. Hindi ka puwedeng manatiling nabubuhay sa kalungkutan nang hindi ka makapagdesisyon sa sarili mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-23-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-utos ka at masusunod ka. Ang totoo nga, mas gusto ng langit na ikaw ang taga-utos dahil hindi ka isinilang na isang alipin o tagasunod. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-22-26-27-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page