Horoscope | December 9, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 9, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 9, 2023 (Sabado): Tapang at lakas ng loob ang magbibigay sa iyo ng yaman. Kaya lakasan mo ang loob mo at maging matapang ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mabibigo kapag nakipagsapalaran ka at kung hindi ka makikipagsapalaran, ibibilang ka sa mga taong bigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-12-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang makukuha muna ang gusto mo. Ang nakatutuwa pa ay hindi ka gaanong mahihirapan ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-11-23-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Mas magandang ituloy mo ang gusto mo, hayaan mong komontra sila dahil iyon lang naman ang magagawa nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-22-29-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang ayaw mo iyon ang mangyayari, pero magugulat ka dahil du’n ka magkakaroon ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-16-25-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Angat ka kaysa sa karamihan. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon para mas umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-19-25-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mo ang maaaring pagmulan ng init ng ulo. Hindi magandang masira ang iyong diskarte ngayon, lalo na nasa tamang landas ka ng paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-22-36-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Harapin mo ng mukhaan ang mga pagsubok sa iyong harapan, matutuklasan mo ang isang lihim ng buhay na ang pagsubok ay naglalaho agad kapag nagpakita ka ng katapangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-19-23-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang nakakaalam ng mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga kagapanan sa iyong paligid. Pero hindi mo obligasyon na ibahagi pa ito sa iba. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-16-25-38-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -Makinig ka muna sa mga opinyon ng mga nasa tabi mo. May ilang bagay na mas tama kaysa sa pinaniniwalaan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-17-29-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tulungan mo ang lalapit sa iyo. Hindi na mahalaga kung totoo ang sinasabi nila, ang importante makita ng langit na patuloy kang nabubuhay sa kabaitan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-8-14-28-31-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawakan mo ang iyong sarili. Ang natatangay ng emosyon ay nawawala sa tamang landas. Muli, hawakan mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-16-20-22-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi totoong mabigat ang pinapasan mong mga pagsubok. Sa katunayan, mas malalaking pagsubok ang nakayanan mo sa nakaraan kung ikukumpara sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-23-29-38-40.




Comments