Horoscope | December 8, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Dec 8, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 8, 2023
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2023 (Biyernes): Pinatatag ka ng iyong kapalaran dahil malalaki at sadyang mabibigat ang mga suwerte na nakalaan sa iyo. Ito rin ay para hindi masayang ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo nang mukhaan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Magugulat ka dahil ang mga ito ay magsisiatras. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-24-34-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nakukuha sa madalian ang mga bagay na mahalaga. Ituloy mo ang matinding hangarin na makapagpundar para sa iyong kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-27-33-41-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahaharap ka sa makukulit na kontrabida sa buhay mo. Pansinin mo at bigla mo ring balewalain. Ito ang susi nang hindi sila makaporma. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-22-28-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hanapin ang wala. Ang yakapin mo ay ang palaging nasa tabi mo. Sa biglang tingin, nakagugulat ang nasabing payo, pero sa ganitong paraan, gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-11-19-25-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pulutin mo ang maliliit na inayawan ng iba. Sa huli, magugulat sila at manghihinayang dahil makikita ng kanilang mga mata ang mabilis na pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-23-26-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakaibang ideya na biglang naglalabas-masok sa isipan mo. Kahit hindi mo gaanong makuha kung paano, ito ay gagana kaya isabuhay mo pa rin dahil dito ka yayaman nang todo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-19-24-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang mga salitang masarap sa tenga, pero kung susuriin mo ay wala namang laman ang mga ito. Paminsan-minsan, kailangan din ng tao na maaliw ang kanyang puso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-26-29-33-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sundin mo ang batas dahil kapag lumabag ka, ito ay may parusa. Sundin mo ang batas sa pagnenegosyo dahil kapag sinunod mo ito, ikaw ay tiyak na aasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-22-24-36-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagsikapan mong madagdagan ang iyong ipon. Ipagpatuloy mo ang pag-iingat na gumasta sa mga bagay na wala namang gaanong halaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matigas ka na parang bato. Hindi ka matitinag dahil ikaw ay malaking bato. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-19-23-29-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iwasan mong lumapit sa ibang tao. Mas maganda na iwasan mo rin na lumabas ng bahay. Mahirap paniwalaan, pero ngayon, lalong darami ang magkakasakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-17-25-31-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo ang iyong mga mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ng nagpapakita sa iyo ng maganda ay hindi ka dadayain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-22-26-34-40.




Comments