top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | December 7, 2023 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 7, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 7, 2023 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya kaya walang dahilan kung bakit hindi ka yayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tama ka. Mababa ang personalidad ng nagpapatupad. Mas maganda pa rin na habaan mo ang iyong pang-unawa dahil ikaw ang nakaiintindi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-18-21-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maraming mapagkunwari, kaya mag-ingat ka dahil baka isa ka sa mabiktima. Sa panahon ngayon na walang pinagkakakitaan ang mga tao, ang mga mapagkunwari ay maglilitawan na parang kabute. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-26-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka na maiinip dahil mabilis ang mga araw at matatapos na ang pahirap. Bilisan mo rin ang pagbuo ng mga plano mo sa buhay nang sa gayun magtuluy-tuloy na ang pag-asenso mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-19-23-28-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kinakabahan ka at ang kaba mo’y hindi sa takot, kundi ang kaba mo’y dahil sa paparating na suwerteng mapapasa iyo sa darating na Kapaskuhan. Kapag natanggap mo na ang nasabing suwerte, dapat kang magpasalamat sa Poong Maykapal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magugulat ka at hindi makapaniniwala na ang mga nawala sa iyo ay mababawi mo at sobra-sobra pa sa inaasahan mong biyaya at pagpapala ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-19-28-37-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabuti ang nagtatanong kaysa sa sumusugod na lakas lang ng loob ang dala-dala. Ang dagdag-kaalaman ay mapakikinabangan kahit kailan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-18-22-32-37-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Makisaya at tumawa ka. Sakyan mo rin ang agos ng usapan. Hindi ka man makapaniwala sa mga naririnig mo, hindi na ito mahalaga dahil ang importante ay sumaya ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-19-24-28-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa muling paglaya. Mas magagandang kaganapan ang iyong mararansan sa pagbabalik ng mga araw na hindi ka na pinagbabawalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-23-29-33-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naiinip ang lahat kahit na ang iba ay wala namang budget para sa darating na Kapaskuhan. Sa ganitong sitwasyon hindi maiiwasan ang pag-init ng ulo kaya mas maganda na maging maunawain ka at lagi mong sabihin sa sarili mo na, “totoo si Santa Claus!” Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakikilala mo nang husto ang sarili mo. Ito ang napala mo sa panahon na bawal lumabas ng bahay. Kapag kilala ng tao ang kanyang sarili, ang tagumpay ay kanya nang abot-kamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-22-29-31-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag naghihigpit, sumunod ka. Kapag nagluluwag, huwag kang magluwag dahil ang huli ay hindi tamang mangyari, lalo na sa panahon ngayon ng pagkakasakit ng maraming tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-27-34-39-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo at kunin mo rin ang para sa kapwa mo na hindi niya nakuha at ikaw na ang magbigay sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-19-25-35.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page