top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | December 6, 2023 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 6, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2023 (Miyerkules): Lahat ng maganda ay para sa iyo, at kung hindi sinasadya na pumangit ang buhay mo, pagagandahin pa rin ito ng langit para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalikan ang mga tukso sa buhay mo, kaya muli mo ring ibalik ang tibay at tatag mo. Ang tukso ay paalala sa iyo na nakasisira ito ng buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-30-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Ang mga grasyang mapasasakamay na hindi mo gaanong gusto ay ibahagi mo sa malalapit sa ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-21-24-27-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Tatalas ang pakiramdam mo at mabilis mong mararamdaman na may pagtingin at pagnanasa sila sa iyo. Mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-19-23-29-31-44.

CANCER (June 21-July 22) - Mahina ka ngayon. Ingatan mong mahulog sa alam mong hindi maganda ang iyong magiging kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-7-19-22-35-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ang karisma mo at ito ay biglaang lumakas. Ang mga nagkunwaring ayaw sa iyo noon ay makikitang nagdidikitan sa iyo ngayon. Nasa iyo ang pasya kung ano ang dapat sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-20-28-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumating na ang araw na lalakas ang kita ng iyong hanapbuhay. Huwag mong sayangin ang pagkakataon at mas tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-25-28-33-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan malabong tanggihan ka sa iyong kagustuhan. Manghihinayang ka ‘pag nagkunwari kang hindi mo kailangan ang materyal na bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-14-23-29-34-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lahat ay nakukuha sa pilit. Pero ngayon, kapag naging makulit at mapagpilit ka, mapasasaiyo ang mga ninanais mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-24-27-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspirasyon ang hanapin mo at ang dalawa o higit pang inspirasyon ay makabubuti sa tao. Sa ganitong paraan, kikilos ang iyong kapalaran at mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-8-21-24-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo ang hindi pa makatugon sa pananagutan sa iyo. Ikaw din naman ay nakaranas ng minsan ay nahihirapan sa iyong mga obligasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-19-22-31-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papaagrabiyado dahil mas magandang ikaw ang makalamang. Lihim kang kumilos kung saan hindi nila mahahalata na mas malaki ang iyong pakinabang kaysa sa iba. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-14-19-22-29-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumalma ka lang. Langit mismo ang kikilos para gumanda ang buhay mo at makikita ng mga nasa paligid mo na parang wala ka namang ginagawa pero bumubuti ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-24-34-38-41.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page