top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | December 5, 2023 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 5, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2023 (Martes): Habang lumalakad ang panahon, bumibilis din ang ikot ng Gulong ng Kapalaran kung saan dadalhin ka nito sa lugar na maaabot mo na ang iyong mga pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Talas at bilis ng isip ang iyong kailangan, ito ay para hindi ka maunahan ng iyong mga kalaban. Muli, talas at bilis ng isip ang iyong kailangan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-38-40-46.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maaaring hindi mo mapansin ang magagandang oportunidad sa iyong harapan kapag ang isip mo ay nakatutok sa ibang bagay at hindi paraan para madagdagan ang iyong yaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-20-26-41-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin dahil hindi kokontra sa iyo ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-12-17-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Maaakit ka nang husto sa mga masasarap kausap at ang mga sinasabi ay may kabuluhan, pero kapag kayo ay nagtagal, malalaman mo na ang palasalita ay hanggang salita lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-31-32-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipahalata na hinahanap-hanap mo ang lumayo sa iyo. Huwag mo rin ibisto na may kailangan ka pa sa kanya dahil ang lumayo ay dapat nang burahin sa isipan at puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-17-20-24-26.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malambot ang damdamin mo ngayon. Mababawasan ang iyong kabuhayan dahil sa iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-28-37-40-45-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis at hindi mo mamamalayan na bago ang iyong buhay. Ito ang maagang regalo sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-21-24-26-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka at huwag kang magbawas. Ito ang tunay na susi sa pagpapayaman at ang susi sa kahirapan ay ang pagbabawas at hindi nagdaragdag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto­-11-18-27-30-41-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpapatangay sa magastos na pagsasaya dahil ang kasunod nito ay kalungkutan. Piliin mo ang simpleng buhay dahil ito ang tunay na sikreto ng mayayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mali ang iniisip mo na magtipid sa araw na ito. Hihina ang kalusugan mo at sa huli ay mas marami kang magagastos. Kumain ka nang maayos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-15-27-33-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mangyayari sa iyo dahil hindi mo gagamiting mabuti ang isipan mo, pero ang mga suwerte ay makukuha mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-39-40-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mawawala ang kaba mo dahil tatalunin ng kagustuhan mong makuha ang matagal mo nang pinapangarap. Simula ngayon, matututo ka nang talunin ang iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-17-18-20.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page